Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

15-taon ng Pondo ng Pinoy: Tungo sa kaganapan ng buhay

SHARE THE TRUTH

 281 total views

Inihayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang Pondo ng Pinoy ay sumasagisag sa kaganapan ng buhay ng mamamayan.

Paliwanag ng Cardinal, maisasakatuparan lamang ang ganap na buhay kung matutunang magpahalaga ng mananampalataya sa kanilang kapwa lalo na ang mga dukha na higit kinalulugdan ng Panginoon.

“Ang Pondo ng Pinoy, kaganapan ng buhay pero ganap ang buhay kung ang dangal ng bawat isa ay naitataguyod ng hindi ka nakakalimot doon sa naghahanap pa ng kaganapan ng buhay,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Hamon ng Arsobispo sa bawat isa na huwag hayaang maging bulag at manhid sa kasalukuyang sitwasyon ng lipunan na marami pa rin ang nangangailangan ng tulong.

Ito ang pahayag ni Cardinal Tagle sa mamamayang nakaranas ng maginhawang buhay kung saan ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority noong 2018 bumaba sa 21 porsyento ang kahirapan sa Pilipinas.

Giit pa ni Cardinal Tagle, mahalagang magtulungan ang bawat isa para sa ikauunlad at ikabubuti ng pamumuhay ng kapwa upang matamo ang ganap na buhay na layunin ng Pondo ng Pinoy.

15 TAON NG PONDO NG PINOY

Sa mahigit isang dekada ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. (PnPCFI), nanatiling ang mahihirap ang inspirasyon ito upang ipagpatuloy ang mga programa at adbokasiyang pinasimulan ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales noong 2004.

Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng bentesingko sentimos o mas tinatawag na ‘crumbs’ o ‘mumo’ malaki ang maitutulong nito sa pagpatuloy ng mga proyekto ng institusyon.

Sinabi ni Cardinal Tagle na ang Pondo ng Pinoy ay hindi ay hindi lamang maituturing na charitable initiatives ng Simbahan kundi ito ay nakaugat sa pananaw mula Banal na Kasulatan ang kwento ng isang mayaman at mahirap na si Lazaro.

Sa tulong ng iba’t ibang sektor ng lipunan nakalikom na ang PnPCFI ng 400 milyong piso na naibahagi sa higit 1500 proyekto sa buong Pilipinas o katumbas sa 268, 606 indibidwal ang natulungan.

Kabilang sa mga programa ng institusyon ang pangkalusugan, pangkabuhayan, edukasyon, pabahay at maging ang pamamahagi ng emergency relief sa tuwing may sakuna.

Hinikayat din ni Cardinal Tagle ang bawat mamamayan mahirap man o mayaman na tumugon sa panawagan ng Panginoon na tulungan ang mga kapos palad sapagkat naniniwala ang Simbahan na lahat ay may kakayahang magbahagi ng kanilang biyayang kaloob ng Diyos.

“Ang mga mahihirap ay hindi lang tagatanggap kundi bahagi ng kanilang dangal ay nagbabahagi sa kapwa,” ani ni Cardinal Tagle.

ANG PUNDASYON NG PONDO NG PINOY

Pinatatag din ang institusyon sa 4 na pundasyon na nagpapatibay na sa kabila ng pagiging maliit ay nanunuot sa puso’t isipan ng mamamayan ang layuning paglingap sa kapwa.

Una rito ang ‘Small Acts’ sapagkat ang isang kusing ay maliit na halaga lamang kung ikukumpara sa libu-libong halaga ng salapi na ginagastos sa iba’t ibang bagay subalit kinakailangan lamang nito maging tuloy-tuloy sa pagbabahagi o ‘Regularity’ upang mapaunlad ang pagkatao sa kultura ng pagpapahalaga sa biyayang handog ng Panginoon sa tao.

Bukod rito ang ‘Rooted in love of God and Neighbor’ o ang pagmamahal sa kapwa ang isa sa mga sanhi na higit mapagyabong ang pagiging mapagkawanggawa ng tao na nakahandang tumulong sa kapwa.

‘Empowerment of Community’ o ang pagpapalakas sa isang komunidad sa pamamagitan ng pagbabahaginan ng taos sa puso at may kabutihang loob na patuloy pinagyabong ng Pondo ng Pinoy upang higit pang maabot hindi lamang ang mga Filipino kundi maging ang mamamayan sa ibayong dagat partikular ang biktima ng kahirapan, kagutuman at karahasan.

Sa huli pinaalalahanan ni Cardinal Tagle ang bawat isa na ang paghahari ng Diyos ay katulad ng isang maliit na butil subalit nanunoot sa kaibuturan ng puso ng sangnilikha.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 35,409 total views

 35,409 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 50,486 total views

 50,486 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 56,457 total views

 56,457 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 60,640 total views

 60,640 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 69,921 total views

 69,921 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Antipolo Auxiliary Bishop, itinalagang Obispo ng Diocese of Catarman

 94 total views

 94 total views Pormal nang itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Bishop Nolly Buco bilang ikatlong obispo ng Diocese of Catarman. December 2023 nang unang itinalaga ang obispo bilang tagapangasiwa sa diyosesis makaraang tanggapin ni Pope Francis ang pagretiro ni Bishop Emmanuel Trance dahil sa usaping kalusugan. Inanunsyo ng Vatican ang appointment ni Bishop Buco na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

“God’s mercy is mercy in action!”

 293 total views

 293 total views Itinuring na ‘mercy in action’ ng St. Joseph the Patriarch Parish sa Mabolo Cebu City ang kawanggawang isinagawa ng ilang delegado ng 5th Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Parish Priest Fr. Benedicto Tao mahalagang maibahagi ng mga delegado ang habag at awang naranasan sa pakikiisa sa AACOM upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Divine mercy devotion, ibahagi sa iba

 872 total views

 872 total views Umaasa ang Divine Mercy Ministry ng Archdiocese of Cebu na paigtingin ng bawat binyagang kristiyano ang debosyon sa Divine Mercy. Ayon kay ministry Spiritual Director Fr. Lucas Inoc nawa’y magbunga ng malalim na pang-unawa sa habag at awa ng Panginoon upang maibahagi sa kapwa. Aniya bawat isa ay nangangailangan ng habag mula sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Be the light house that provides hope and direction.

 975 total views

 975 total views Ito ang apela ni CBCP Bishop Promoter of Stella Maris-Philippines, Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga lider ng pamahalaan at lingkod ng simbahang naglilingkod sa kapakanan ng mga seafarers kabilang na ang mga mangingisda. Sa pagtatapos ng 2-day Migrant Fishers Leader’s Assembly na ginanap sa Cebu City binigyang diin ni Bishop Santos ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Arsobispo ng Cebu, nanawagan ng suporta sa “One million children praying the rosary”

 1,466 total views

 1,466 total views Umapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa mamamayan na suportahan ang inisyatibo ng Aid to the Church in Need na ‘One million children praying the rosary’. Ayon sa arsobispo mahalagang tulungan ang mga batang mahubog ang pananampalataya at mapalalim ang ugnayan sa Panginoon. Aniya nararapat suportahan ang mga kabataan at magbuklod ang pamayanan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagbebenta, pagbili ng boto: Pagkakait sa pagkakaroon ng mahuhusay na pinuno ng bayan, ayon sa Obispo

 1,620 total views

 1,620 total views “We need to give our country a chance to change.” Ito ang hamon ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mamamayan hinggil sa nalalapit na 2025 midterm national and local elections. Sinabi ng obispo na isa mabisang paraan upang makamit ang tunay na pag-unlad ang paglaban sa talamak na vote buying tuwing halalan. “Vote

Read More »
Cultural
Norman Dequia

“Whatever God want me to do, I will do it” – Bishop Labajo

 1,743 total views

 1,743 total views “Malipayon kong modawat sa maong assignment.” Ito ang mensahe ni Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo makaraang italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang kauna-unahang obispo ng Diocese of Prosperidad sa Agusan del Sur. Sinabi ng obispo na higit nitong isasabuhay ang kanyang episcopal motto na ‘Humiliter Ambulare Coram Deo’ o ‘To walk humbly before

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagiging host ng AACOM, ipinagpasalamat ng Archdiocese of Cebu

 1,767 total views

 1,767 total views Ikinagalak ni Cebu Archbishop Jose Palma ang pagiging host archdiocese ng ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon sa arsobispo magandang pagkakataon ang pagtitipon na isang paraan upang muling paigtingin ang pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang habag at awa. “We feel privilege once more to host the AACOM

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Prosperidad sa Agusan del Sur, itinatag ng Santo Papa

 1,799 total views

 1,799 total views Itinatag ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Diocese of Prosperidad na magpapastol sa mananampalataya ng Agusan Del Sur. Kasabay nito itinalaga ng santo papa si Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo bilang kauna-unahang obispo sa itinatag na diyosesis. Inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingan ni Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla na hatiin ang Diocese of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pinakamapinsalang lindol sa Bohol, inalala

 2,420 total views

 2,420 total views Isinagawa ng Diocese of Tagbilaran ang Day of Prayer para gunitain ang mga biktima ng magnitude 7.2 na lindol 11-taon ang nakalilipas. Ayon kay Bishop Alberto Uy, bagamat mahigit isang dekada na ang nakalipas sa mapaminsalang lindol ay patuloy pa rin ang pagbangon ng mga Boholano sa tulong at gabay ng Panginoon. “Let

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, pinaalalahanan ng Papal Nuncio sa dakilang habag at awa ng Panginoon

 2,481 total views

 2,481 total views Pinaalalahanan ng kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas ang mananampalataya sa dakilang habag at awa ng Panginoong ipinadama sa sangkatauhan. Sa pagbukas ng 5th Asian Apostolic Congress on Mercy sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu sinabi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na ang pag-alay ni Hesus ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Opisyal ng CBCP, dismayado sa kalagayan ng mga katutubo

 2,997 total views

 2,997 total views Dismayado si CBCP Office on Stewardship Chairperson, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa kasalukuyang kalagayan ng mga katutubo sa bansa na patuloy nakararanas ng karahasan. Sa paggunita ng Indigenous Peoples’ Sunday nitong October 13 sinabi ng obispo na sa kabila ng kahirapang dinaranas ng mga katutubo sa bansa ay patuloy itong pinahihirapan ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Palalimin ang pang-unawa sa habag at awa ng Panginoon, hamon ng Obispo sa AACOM delegates

 3,031 total views

 3,031 total views Hinikayat ni World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) Episcopal Coordinator for Asia, Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga delegado sa 5th Asian Apostolic Congress on Mercy na gamiting pagkakataon ang pagtitipon para mas mapalalim ang pang-unawa sa dakilang habag at awa ng Panginoon. Ito ang mensahe ng obispo sa pagsisimula ng AACOM na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang ilang mga pari ng arkidiyosesis sa panibagong tungkulin.

 3,038 total views

 3,038 total views Kabilang na rito si Barangay Simbayanan anchor priest Fr. Douglas Badong na itinalagang kura paroko ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo Manila. Bukod kay Fr. Badong itinalaga rin si Fr. Edrick Bedural bilang Assistant Minister ng Catechetical Foundation ng arkidiyosesis at Vice Rector ng Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace o

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Ordination ng Bishop-elect ng Diocese of Gumaca, itinakda sa December 28, 2024

 5,310 total views

 5,310 total views Itinakda ng Diocese of Gumaca ang episcopal ordination ni Bishop-elect Euginius Canete, JR., M.J sa December 28, 2024. Ito ang inanunsyo ni Gumaca Diocesan Administrator Fr. Ramon Uriarte bilang paghahanda ng diyosesis sa pagdating ng bagong pastol. Gaganapin ang ordinasyon sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top