Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paninindigan ni Justice Reyes na imoral ang pre-marital sex, pinuri ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 661 total views

Inihayag ng Obispo ng Borongan na ang paggalang sa mga babae ay konkretong pagpapakita ng tunay na pagmamahal.

Ito ang pagninilay ni Bishop Crispin Varquez sa paninindigan ni Supreme Court Associate Justice Jose Reyes Jr. na imoral ang pakikipagtalik sa labas ng sakramento ng kasal.

Ayon kay Bishop Crispin Varquez, ang pagtatalik ay nakalaan sa mga mag-asawa lamang kaya’t hindi wasto ang premarital sex lalo na sa mga kabataan.

“If you respect the woman, your girlfriend, that’s an expression na mahal mo ang tao dahil hindi mo magagawa ang mga bagay na hindi nararapat,” pahayag ni Bishop Varquez sa Radio Veritas.

Sa interview ng Judicial Bar Council sa mga naghahangad na maging chief justice ay naitanong ni retired Justice Noel Tijam kay Justice Reyes ang pananaw hinggil sa premarital sex na nakabatay sa panukala ng Indonesia na ipagbawal ang premarital sex sa kanilang bansa.

Nanindigan si Justice Reyes na imoral ang pagtatalik ng babae at lalaki na hindi pa kasal at isang malinaw na paglabag sa moral law.

Kinatigan ni Bishop Varquez ang pahayag ni Justice Reyes na ang pag-iibigan ng lalaki at babae ay kinakailangan ng pagbabasbas sa pamamagitan ng sakramento ng kasal sa pananampalatayang Katoliko.

“Totoo na imoral ang premarital sex dahil ang mag-asawang kasal lamang ang may karapatan na gagawin ang bagay na ‘yun,” ani ni Bishop Varquez.

Sinabi ng Obispo na patuloy ang katesismo ng Simbahan hinggil sa sagradong gawain ng mag-asawa upang higit na maunawaan ang mga katuruan.

Sa isang mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco sa mga kabataan sa Italya sinabi nitong ang pakikipagtalik ay sagrado at biyaya ng Panginoon sa mag-asawa upang maging katuwang sa paglikha ng buhay at pagpalaganap ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2016 karamihan sa mga kabataang edad 15 hanggang 24 na taong gulang ay nakikipagtalik bago pa man maikasal kung saan 35.5 porsyento ay mga lalaki habang 28.7 porsyento naman ang mga babae.

Dahil dito hinimok ni Bishop Varquez ang mamamayan lalo na ang mga magulang na paigtingin ang paggabay sa kabataan upang maiwasan ang mga bagay na hindi nararapat gawin tulad ng premarital sex.

“Tinatawagan ko ang mga magulang at mamamayan na turuan ang mga kabataan sa moral na pamamaraan na nakasusunod sa katuruan ng Panginoon,” saad ni Bishop Varquez.

Hinikayat pa ni Bishop Varquez ang bawat mamamayan lalo na ang hindi pa mag-asawa na matutuhang isakripisyo ang mga personal na pangangailangan at hintayin ang wastong panahon para gawin ang sagradong bagay.

Si Justice Reyes ay aktibong kasapi ng Simbahang Katolika bilang Lay Minister sa isang parokya at nagsisilbing Board of Trustees ng Knights of Columbus kaya’t kinilala nito ang malaking ambag ng mga turo ng Simbahan bilang gabay sa paglilingkod sa pamahalaan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Job Mismatches

 5,234 total views

 5,234 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 11,567 total views

 11,567 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 16,181 total views

 16,181 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 17,742 total views

 17,742 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 33,642 total views

 33,642 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Filipino Priest, itinalagang opisyal ng Vatican

 404 total views

 404 total views Muling nagtalaga ang Kanyang Kabanalan Francisco ng isang Pilipinong pari sa isa sa mga pangunahing tanggapan sa Vatican. Nitong November 7 ay itinalaga ng santo papa si Msgr. Erwin Jose Balagapo bilang undersecretary ng Dicastery for Evangelization section “for the first evangelization and new particular churches na kanyang pinaglingkuran mula July 2023 at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Recommit ourselves to the mission of Christ, paalala ni Bishop Uy sa mga pari

 444 total views

 444 total views Umaasa si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mas umigting ang pagbubuklod ng kristiyanong pamayanan sa Bohol tungo sa iisang misyon na ipalaganap si Hesus sa lipunan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng diyosesis ng ika – 83 anibersaryo ng pagkatatag. Dalangin ni Bishop uy ang patuloy na pag-usbong ng komunidad na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa National Fatima Convention

 1,115 total views

 1,115 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima Philippines ang mananampalataya na makiisa sa National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion sa December 10, 2024. Ayon sa WAF Philippines na pinamunuan ni Sis. Ambrocia Palanca, layunin ng pagtitipon na paalalahanan ang mga deboto sa mahalagang mensaheng iniwan ng Mahal na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pasalamatan ang panginoon sa gift of priesthood, paalala ng Arsobispo sa mga Pari

 1,249 total views

 1,249 total views Pinalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga pari na palaging pasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng bokasyong maging katuwang sa misyon sa sanlibutan. Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagtitipon ng Young Clergy of Cebu Residency Program na ginanap sa St. Augustine of Hippo Parish sa Olango Island, Lapu-Lapu City, Cebu kamakailan.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakaroon ng Missionary of Mercy sa Diocese of Kidapawan,inanunsyo ng Obispo

 1,725 total views

 1,725 total views Inanunsyo ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pagkakaroon ng Missionary of Mercy ng kanilang diyosesis. Ayon sa Obispo, inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingang magtalaga ng missionary of mercy na may natatanging misyong higit maipalaganap ang habag at awa ng Panginoon sa sanlibutan. Sa liham mula kay Dicastery for Evangelization Pro-Prefect of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

RCAM, sisimulan ang Jubilee Year 2025 celebration

 1,755 total views

 1,755 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya na makiisa sa Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa November 9, 2024. Tampok sa MAGPAS ngayong buwan ang paghahanda sa Jubilee Year 2025 kung saan nakatuon ang pagtitipon sa katesismo sa pagdiriwang ng buong simbahang katolika. Isasagawa ang MAGPAS sa Pope Pius XII Catholic Center

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagtatalaga sa 2 Cebuanong Obispo, ikinalugod ng Archdiocese of Cebu

 1,773 total views

 1,773 total views Ikinalugod ni Cebu Archbishop Jose Palma ang magkakasunod na pagkatalaga ng mga obispo mula sa Ecclessiastical Province of Cebu. Ayon sa arsobispo, isang regalo para sa buong simbahan ang pagkatalaga ng mga obispong magpapastol sa mga diyosesis katuwang ang mga pari. “Any appointment of a bishop is a joy for the church, their

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ng Obispo na maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon

 12,989 total views

 12,989 total views Hinimok ng opisyal ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) ang mga dumalo sa 5th Asian Apostolic Congress on Mercy na patuloy maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon sa kapwa. Ayon kay WACOM Episcopal Coordinator for Asia, Antipolo Bishop Ruperto Santos dapat isabuhay ng mga deboto ang bawat natutuhan sa congress

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Igalang ang mga namayapa-Bishop Santos

 13,057 total views

 13,057 total views Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na igalang ang mga namayapa. Ito ang pahayag ng obispo sa nalalapit na paggunita ng mga yumaong mahal sa buhay o undas sa November 2. Binigyang diin ni Bishop Santos na ang pagbibigay ng maayos na himlayan sa mga namayapa ay isa sa mga nararapat

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Stella Maris Philippines, patuloy na makikilakbay sa mga seafarer

 13,169 total views

 13,169 total views Tiniyak ng Stella Maris Philippines ang patuloy na paglilingkod sa mga manggagawa sa karagatan at kanilang mga pamilya. Ayon kay National Coordinator Fr. John Mission na mahalagang kalingain ang hanay ng mga seafarers at iba pang manggagawa sa sektor alinsunod sa Stella Maris Moto Propio ni St. John Paul II. “Our commitment will

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Antipolo Auxiliary Bishop, itinalagang Obispo ng Diocese of Catarman

 13,409 total views

 13,409 total views Pormal nang itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Bishop Nolly Buco bilang ikatlong obispo ng Diocese of Catarman. December 2023 nang unang itinalaga ang obispo bilang tagapangasiwa sa diyosesis makaraang tanggapin ni Pope Francis ang pagretiro ni Bishop Emmanuel Trance dahil sa usaping kalusugan. Inanunsyo ng Vatican ang appointment ni Bishop Buco na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

“God’s mercy is mercy in action!”

 13,598 total views

 13,598 total views Itinuring na ‘mercy in action’ ng St. Joseph the Patriarch Parish sa Mabolo Cebu City ang kawanggawang isinagawa ng ilang delegado ng 5th Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Parish Priest Fr. Benedicto Tao mahalagang maibahagi ng mga delegado ang habag at awang naranasan sa pakikiisa sa AACOM upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Divine mercy devotion, ibahagi sa iba

 13,854 total views

 13,854 total views Umaasa ang Divine Mercy Ministry ng Archdiocese of Cebu na paigtingin ng bawat binyagang kristiyano ang debosyon sa Divine Mercy. Ayon kay ministry Spiritual Director Fr. Lucas Inoc nawa’y magbunga ng malalim na pang-unawa sa habag at awa ng Panginoon upang maibahagi sa kapwa. Aniya bawat isa ay nangangailangan ng habag mula sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Be the light house that provides hope and direction.

 14,575 total views

 14,575 total views Ito ang apela ni CBCP Bishop Promoter of Stella Maris-Philippines, Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga lider ng pamahalaan at lingkod ng simbahang naglilingkod sa kapakanan ng mga seafarers kabilang na ang mga mangingisda. Sa pagtatapos ng 2-day Migrant Fishers Leader’s Assembly na ginanap sa Cebu City binigyang diin ni Bishop Santos ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Arsobispo ng Cebu, nanawagan ng suporta sa “One million children praying the rosary”

 13,854 total views

 13,854 total views Umapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa mamamayan na suportahan ang inisyatibo ng Aid to the Church in Need na ‘One million children praying the rosary’. Ayon sa arsobispo mahalagang tulungan ang mga batang mahubog ang pananampalataya at mapalalim ang ugnayan sa Panginoon. Aniya nararapat suportahan ang mga kabataan at magbuklod ang pamayanan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top