458 total views
Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na wakasan na ang marahas na pamamaraan ng pagsasanay o formative training sa mga militar sa pamamagitan ng hazing.
Ayon kay Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na siya ring Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Seminaries, ang panibagong kaso ng pagkamatay ng kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na si Darwin Dormitorio ay dapat ng magsilbing wake-up call sa kasalukuyang Anti-Hazing Law sa bansa.
“We offer our prayers for the soul of Darwin Dormitorio, a cadet of the Philippine Military Academy (PMA) who died due to hazing; just as we join the call for justice to his death and to end violent ways in the formative training of our men and women in the military.” pahayag ni Bishop Alminaza.
Bukod sa pagpapaabot ng panalangin at pakikiramay sa pamilyang naulila ng batang kadete ay umaasa rin ang Obispo na aksyunan ng P-M-A ang karahasan at maling kaugalian na nakasanayan sa institusyon.
“This incident should wake us up and make us reexamine why the anti-hazing law has not deterred violent initiations in organizations and institutions. Moreover, the PMA needs to address the violent and illegal practices of subcultures in its institution.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.
Iginiit ni Bishop Alminaza ang kongretong hakbang upang maiwasan ang walang katuturang pagkamatay ng mga bagong nag-aasam na maging kasapi ng sangdatahang lakas ng bansa.
Nanindigan ang Obispo na napapanahon nang mawakasan at mabago ang marahas na paraan ng formative training sa mga kadete ng P-M-A at Philippine National Police na posibleng maghubog ng kultura ng karahasan sa mga nagnanais na magsilbing sundalo at pulis.
“Necessary changes must be implemented to prevent senseless deaths. Whether upperclassmen retaliation or initiation through hazing, these secret practices should end within the premier military training institution of our country. Such violent culture will inevitably breed military leaders that take pleasure in barbaric operations and illegal practices. Such culture affects our government structures as military people are appointed or elected to high government positions.” Giit ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza.
Naniniwala ang Obispo na hindi dapat maging batayan ng determinasyon, katapatan, tibay at tatag ng mga kadete ang pisikal at mental na mga pagsubok kabilang na ang pamamalo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, pananampal at pagpapahiya sa harapan ng publiko.
Binigyang diin rin ni Bishop Alminaza ang paninindigan ng Simbahang Katolika laban sa anumang uri ng karahasan kung saan ang kultura ng buhay ang dapat na mangibabaw.
Mahalaga din ayon sa Obispo na matiyak ang pagiging ligtas ng mga mag-aaral sa lahat ng institusyon at lugar.
“The Church reiterates the call to end using violence as a method to address crimes. We must embrace the culture of life rather than the culture of violence and death. We will never achieve a just and peaceful society in this manner. Let our schools be homes of peace, be spaces of love. Let us teach peace, let us learn non-violence. The way to peace is non-violence, compassion, and love.” apela ni Bishop Alminaza.
Sa kabila ng umiiral na Anti-Hazing Law na naisabatas noong 1995, sa tala simula January 2002 hanggang September 19, 2017 umaabot na sa 207 ang naitalang biktima ng Hazing.
Sa bilang na ito 12 ang namatay habang 163 naman ang lubos na nagtamo ng mga pahirap.
Sa kabila nito, tanging 128 lamang sa bilang na ito ang nalitis sa hukuman kung saan 12 ang kasong na-dismissed habang 9 lamang ang kasong naresolba.
Mula sa 393 na mga suspect ay tanging 15 lamang ang tunay na nahatulan kung saan 46 ang napawalang sala at 206 naman ang patuloy pa ring nakalalaya.