282 total views
Nagbabala ang Diyosesis ng Borongan sa publiko laban sa isang taong umiikot sa lugar na humihingi ng tulong pinansyal.
Batay sa advisory ng diyosesis, isang nangangalang Jerex Basilio Beronio ang nagpakilalang seminarista ang humihingi ng tulong sa mga taong simbahan gamit ang pangalan ng Diocese of Borongan.
Tiniyak ng Diyosesis na wala sa talaan ng mga seminarista at hindi naging seminarista ng diyosesis si Beronio kaya’t ito ay malinaw na panloloko lamang gamit ang pangalan ng simbahan.
Dahil dito hinimok ng diyosesis ang mananampalataya na huwag basta bastang maniwala sa mga nagpakilalang mga lingkod ng simbahan lalo’t may kaugnayan sa salapi upang makaiwas sa panloloko.
Hinikayat din ng pamunuan ng diyosesis na agad ipagbigay alam sa kanilang tanggapan kung sakaling lumapit si Beronio at humingi ng tulong gamit ang simbahan.
Kahapon ay nagbabala rin si Cebu Archbishop Jose Palma sa publiko dahil sa kumakalat na e-mail mula sa kanyang account na humihingi ng 1, 350 dolyar dahil kasalukuyan aniya itong nasa Ukraine.
Read: E-mail account ni Archbishop Palma, ginagamit sa panloloko