6,845 total views
My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community.
Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd answers, inaudible) From five? Sino ang grade five? (Students raised their hand) Sino ang grade six? (Students raised their hand) Seven? (Students raised their hand). Eight? (Students raised their hand), nag-iisa nasa likuran yung iba, kaya kahit hindi natin nakikita alam natin nandun sila, meron pa bang ibang grades? (Crowd answers, inaudible) Grade 9? (Students raised their hand) Ten? (Students raised their hand), ayan very good!
So maraming salamat for coming. I just want to share with you, two simple points for our reflection. Una, in our gospel, we get the assurance that Jesus brings the kingdom of God. Jesus works by the power of the Holy Spirit. Si Hesus ay nagdadala ng paghahari ng Diyos. Ang kumikilos sa Kan’ya ay ang mabuting Espiritu ang Espiritu Santo. Ang lakas ni Hesus laban sa kasalanan, laban sa masamang espiritu ay dahil S’ya ay puno ng Espiritu Santo.
Hindi mapapalayas ni Hesus ang masamang Espiritu kung hindi N’ya dala-dala ang Espiritu Santo.
Katulad ni Hesus, sana ganun din tayo, sabi nga ni San Pablo, “conquer evil with good.” Ano ang makakatalo sa kasamaan? Hindi kapwa kasamaan ang makakatalo sa kasamaan ay ang kabutihan.
Evil can be conquered only by good, only good can defeat evil. Ulitin nyo yon ha, good defeats evil, paki ulit nga. (crowd answers: “Good defeats evil.”) Tayo kasi halimbawa yung magkakaklase d’yan sasabihin nung isa bleh! (Cardinal makes funny faces) O ano ang response ninyo? Bleh! (Cardinal makes funny faces)
Ayan, evil against evil, lumaki ang evil. Mamaya yan hindi na kayo nagbabatian, maya-maya yan, nag-aano na kayo, nambu-bully na kayo. How do you defeat evil?By good.
Sinabihan ka ng kaklase mo, “Oy, pangit pangit mo.” Huwag mong sasabihin, “Pangit ka rin.” Sabihin mo, “Ikaw maganda, ikaw guwapo, salamat sa Diyos.”
Evil for evil or good against evil. If we work for the kingdom of God like Jesus, you defeat injustice with justice, you defeat evil with good. Mag-ingat tayo baka akala natin, tinatalo, kinakalaban natin yung masama, pero baka nakakadagdag tayo sa masama kasi hindi pala good ang ating panlaban sa masama.
And the second lesson, sabi ni Hesus kapag napalayas na ang masamang espiritu, magpaplano yan, babalik s’ya para atakihin ulit yung kan’yang inalisan, at kung minsan pagbalik n’ya mas malakas.
This is an invitation for all of us, laging maging gising, magbantay, be vigilant. Kasi ang kalaban ang kasamaan laging naghihintay ng pagkakataon para tayo atakihin kaya dapat mag-ingat. Habang mga bata pa kayo maging ma-ingat, huwag kayong careless.
“Okay lang yan! Okay lang yan!” halimbawa may mag-aalok sa inyo, “O grade 10 ka na naman, subok ka, subok ka ng sigarilyo.” Huwag mong sasabihin, “Kaya ko to! Kaya ko to, I can handle this.” Ingat ka! d’yan nagsisimula, isang stick, mamaya yan, dalawang sticks, maya-maya yan isang pakete nayan, maya-maya yan isang karton nay an, maya-maya ang sigarilyo hindi na satisfying baka sumubok ka na ng iba.
Be careful, be vigilant, huwag magiging mayabang. “Kaya ko yan, I can handle this.” Hindi! Naghihintay ang masamang espiritu para tayo ay hulihin. O, exam, hindi mo alam ang sagot, sabihin mo sa sarili mo, “subukan ko kaya buksan ang notebook? Ayun, nakatalikod naman si teacher.” Ginawa mo, nakalusot ka one time, baka lumakas na ang loob mo, “wow, pwede ko pang gawin ito later on.” Huwag, be vigilant.
Binibigyan ka ng pain ng masamang espiritu, binibigyan ka ng success una para ikaw ay lumala. Ganyan naman nagsisimula yung nagiging adik, hindi lang sa drugs, pati yung mga nagiging adik sa pagsusugal, nagsisimula sa nanalo minsan, maya-maya, “sige nga, subukan na, subukan na!” yun pala nahuli ka na ng masamang espiritu.
Be vigilant! Maging mapanuri, maging gising, huwag kakagatin basta-basta ang mga pain ng masamang espiritu. O mga students, baka mamaya meron kayong kaklase sa exam, nakita na nahihirapan ka sa pagsagot tapos sasabihin sa iyo, “O share ko sa iyo ang ano, ang answer ko.”
Anong sasabihin mo? Sasabihin mo ba, “praise the Lord!” sasabihin mo ba, “ang bait mo naman nag she-share ka.”Sana sabihin mo, hindi. Hindi bale na akong bumagsak nang marangal kaysa pumasa sa maling paraan.”
So mga bata ha, habang kayo ay musmos at bata pa simulan na ninyo, defeat evil by good and secondly be alert, be awake. Huwag basta-basta magpapahuli sa panlilinlang, deception of the evil one.
So let us pray, especially for the young people of the Philippines and of the world, and let us pray also for our teachers, our parents, our elders, our leaders, so that they could be good examples of promoting good in order to combat evil. And may we elders, teach you the path of vigilance discernment so that evil may really be conquered by the good spirit.
Tumahimik tayo sandali at ibukas an gating puso at kalooban sa Espiritu Santo na binibigay ni Hesus.