303 total views
Panalangin ang unang hiningi ni Sorsogon Bishop-elect Jose Alan Dialogo, matapos i-anunsyo ang pagkakahirang sa kan’ya bilang bagong Obispo kahapon, ika-15 ng Oktubre.
Hinihingi nito ang dasal ng mga kapatid na pari at kan’yang Arsobispo sa Archdiocese of Manila, habang siya ay naghahanda pa sa magiging bagong tungkulin.
Gayundin naman, inaasahan din niyang ipagdarasal siya ng mga pari, relihiyoso at relihiyosa at mga mananampalataya ng Diocese of Sorsogon upang magampanan niya ng naaayon sa kalooban ng Diyos ang tungkuling pamahalaan ang naturang diyosesis.
“Ngayon po how I feel now, I just need prayers from my brother priests here and my bishop here in Manila, and the same, my desire, my intention for while I’m preparing I need the prayers of the clergy of Sorsogon together with Bishop Bastes and then the people of the Diocese of Sorsogon yun po ang kailangan ko ngayon. Prayer, prayer.” Pahayag ni Bishop-Elect Dialogo sa Radyo Veritas.
Si Bishop-Elect Dialogo ang magiging ikalimang Obispo ng Diocese of Sorsogon matapos magretiro si Bishop Arturo Bastes na umabot na sa retirement age ng mga obispo na 75 taong gulang.
Sa kasalukuyan, habang hindi pa tuluyang naitatalaga si Bishop-Elect Dialogo ay nananatiling “sede vacante” ang Diocese of Sorsogon, at tumatayong Apostolic Administrator si Bishop Bastes.
Nananabik naman si Bishop-Elect Dialogo na makilala at makasama ang clergy ng Diocese of Sorsogon gayundin ang mga mananampalataya na kan’yang magiging kawan.
Nangako ito na patuloy din niyang ipananalangin ang diyosesis, at ang mabuting kalusugan ni Bishop Bastes na magiging Bishop Emeritus ng Diocese of Sorsogon.
“To my predecessor Bishop Bastes, I will pray for him, for his retirement and good health for him. I’m also praying for the whole clergy of Sorsogon, I’m excited to meet them and I’m also praying for the Diocese the whole flock of Sorsogon which God entrusts to me.” Pahayag ni Bishop-Elect Dialogo sa Radyo Veritas.