259 total views
Ang pangangalaga sa mga bilanggo ay paraan ng pagmimisyon.
Ito ang inihayag ni Davao Archbishop Romulo Valles, Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kaugnay sa pagsisimula ng 32nd Prison Awareness Week.
Ayon sa Arsobispo, bahagi ng misyon ng mga mananampalataya at hamon ng Santo Papa Francisco ang maglingkod sa mga nalilimutan na ng lipunan.
Dagdag pa ni Abp. Valles, ang misyon ng pagkalinga sa mga bilanggo ay magiging mas epektibo kung ang puso ng mga naglilingkod ay tulad ng kay Hesus at Maria.
“Yun ministry natin sa prison is part of mission, and we can only truly be powerful and effective if we do that not only with human hearts but with hearts touched by Jesus and blessed by the blessed virgin Mary.” Pahayag ni Abp. Valles sa Radyo Veritas
Dagdag pa ng Arsobispo, kinakailangang dalhin sa mga bilanggo ang mabuting balita ng Panginoon upang matulungan ang mga ito sa mahirap na yugto ng kanilang buhay, at maipadama na sila ay mga anak din ng Diyos.
“Part of the sense of mission is to go and [it is] made precise and challenging by Pope Francis, to go to the peripheries the forgotten and many times people in our prisons are forgotten and we should take the lead in bringing the good news to them that in their difficult situation they are discarded they are forgotten still they are sons and daughters of God.” Pahayag ni Abp. Valles sa Radyo Veritas.
Ang Prison Awareness Week na nagsimula noong ika-21 ng Oktubre at magtatapos sa Linggo ika-27, ay itinakda ng Simabahang Katolika na ginugunita tuwing huling linggo ng Oktubre.
Layunin nito na ipanalangin at ipadama sa mga bilanggo na sila ay inaalaala, upang ang mga ito ay matulungan sa kanilang pagbabalik loob.
Tema ng Prison Awareness Week ngayong taon ang “Lord, Thank You For Being Merciful To Me, A Sinner”, mag-sasagawa din ng mga programa at banal na misa para dito ang Catholic Bishops Conference of the Philippines- Episcopal Commission On Prison Pastoral Care.