196 total views
Hindi kaugaliang Filipino at ng pananampalatayang kristiyano ang pagdiriwang ng ‘Halloween o trick or treat’.
Ito ang nilinaw ni Bishop Broderick Pabillo-chairman ng CBCP-Episcopal Commssion on the Laity lalu’t dinadamitan ng mga nakakatakot na imahe ang mga bata.
“Hindi natin kaugalian dito sa atin na may araw tayo para sa mga pangit, para sa mga nakakatakot…ibig sabihin imported yan at iyan ay ipinagpapatuloy ng commercialization. Kino-commercialize nila ang mga bagay na iyan at wala naman tayong nakukuha diyan. Palagay ko hindi sa hindi bagay sa ating mga Filipino kundi hindi bagay sa ating mga kristiyano na ‘we are glorifying what is ugly, what is evil, what is bad at iyan ay hindi karapat-dapat,” kay Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.
Ayon sa obispo, ang ‘haloween’ ay nangangahulugan ng ‘Banal na Gabi’ ay para sa mga banal ng simbahan at hindi sa mga nakakatakot na nilalang.
“Maganda sa mga maraming mga parokya ngayon, instead of that they have the parade of the saints na ipinakita ang maraming mga santo, maraming mga mabubuti. Kasi yan naman ang dapat na kapistahan natin,” ayon pa kay Bishop Pabillo.
Giit ng obispo, ito ay isang tradisyong pagano na umiiral sa kanluraning bansa na tinularan na rin sa pilipinas dahil sa komersyalismo.
Hinihikayat naman ng obispo ang mga mananampalataya na sa halip na nakakatakot na nilalang ay bihisan ang kanilang mga anak ng damit tulad ng mga santo at santa na siyang isinagawa ngayon ng maraming mga simbahan.
Sa tala, higit na sa 10 libo ang mga banal ang opisyal na kinilalang Vatican kabilang na dito ang dalawang Filipinong santo na sina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod.