423 total views
Isang ng kasangkapan sa pagpapamalas ng buong tiwala sa kapangyarihan ng Panginoon ang pagdarasal ng Rosaryo.
Ito ang paalala ni Diocese of Legazpi Bishop Joel Baylon, Chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care kaugnay sa nalalapit na pagtatapos ng buwan ng Santo Rosaryo ngayong Oktubre.
Ayon sa obispo, bukod sa ito’y instrumento ng tiwala at pananampalataya sa Panginoon- isa rin epektibong kasangkapan patungo sa kabanalan na naipapahayag na mas mapalapit sa Diyos tulad ng Mahal na Birheng Maria.
“The Holy Rosary is a very beautiful tool para magtiwala tayo sa kapangyarihan ng pagliligtas ng Diyos sa atin and then of course finally it is also a tool for us to go in holiness yung parang sa pamamagitan kasi ng pagsa-Santo Rosaryo sinasabi natin na hindi natin kayang baguhin ang daigdig natin, sinasabi natin na sa Diyos lamang tayo umaasa,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Baylon sa panayam sa Radyo Veritas.
Paliwanag pa ng Obispo, ang pagdarasal ng Santo Rosaryo ay ang pagsamo ng Mahal na Birheng Maria sa sangkatauhan upang ganap na makamit ang pagbabalik loob para sa daigdig.
Tinukoy rin ni Bishop Baylon ang makasaysayang bahagi ng pananampalataya at debosyon ng mga Filipino sa Mahal na Birheng Maria na ipag-adya ang bansa mula sa kadiliman at kamatayan dulot ng kasamaan.
“The rosary had always been a part of Mary’s message that we pray the rosary for the conversion of soul, for the transformation of the world, that there may be peace ito ang kapangyarihan ng Santo Rosaryo at alam naman natin kahit sa kasaysayan natin dito sa Pilipinas,” dagdag pa ng Obispo.
Tuwing buwan ng Oktubre ay hinihimok ng Simbahan ang mga mananampalataya na magdasal ng Santo Rosaryo bilang debosyon sa Mahal na Birheng Maria at para sa kapayapaan ng daigdig.
Ayon kay Pope Francis ito ay isang pagkakataon upang sama-samang manalangin, magsisi at muling magsumamo sa Mahal na Birheng Maria upang patuloy na pangalagaan ang Simbahang Katolika mula sa mga pagsubok at oportunidad na mas mapalalim ang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria.