196 total views
Nagpadala ng karagdagang 300,000 pisong tulong pinansiyal ang Caritas Manila sa Diocese of Kidapawan para sa mga biktima ng lindol.
Inihayag ni Caritas Manila executive director at Radio Veritas President Father Anton CT Pascual na ang tulong pinansiyal ay para sa isinasagawang relief at rehabilitation ng Diocese of Kidapawan sa mga napinsala ng sunod-sunod na lindol sa lalawigan ng North Cotabato at karatig lalawigan.
Ang tulong ay tugon ng Caritas Manila sa panawagang tulong ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo para sa libu-libong residente na apektado ng 5 sunod-sunod na lindol sa bahagi ng Mindanao.
Naunang nagpaabot ng 200,000 pisong tulong ang Caritas Manila sa Diocese of Kidapawan kasabay ng paglulunsad ng apela sa mga Good Samaritan na tulungan ang mga napinsala ng lindol.
Sa mga nais tumulong, maaring ipadala ang donasyon sa mga sumusunod:
DONATE ONLINE VIA:
http://ushare.unionbankph.com/caritas/
THROUGH BANK DEPOSIT:
Banco De Oro – Savings Account No.: 5600-45905
Bank of the Philippine Islands – Savings Account No.: 3063-5357-01
Metrobank– Savings Account No.: 175-3-17506954-3
For dollar accounts:
Bank of the Philippine Islands – Savings Account No. 3064-0033-55
Swift Code – BOPIPHMM
Philippine National Bank – Savings Account No. 10-856-660002-5
Swift Code – PNBMPHMM
Donations can also be made via Cebuana Lhuillier (free of charge).
Caritas Manila is also accepting donations at their main office at 2002 Jesus St. Pandacan, Manila.