178 total views
Binigyang diin ng pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) na hindi nararapat samantalahin ang kahinaan ng mahihirap na sektor ng lipunan.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, mahalagang lingapin ang mga dukha sa pamayanan at tulungang makaahon upang maibsan ang paghihirap na nararanasan.
“The poor are already less so they are the more we have to help and assist; they should never be taken for advantage nor for granted,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Ang pahayag ng Obispo ay kaugnay sa nalalapit na ikatlong World Day of the Poor sa ika – 17 ng Nobyembre kung saan tema ngayong taon ang ‘The hope of the poor shall not perish for ever’.
Kinilala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang suliranin ng mga migrante tulad ng pangmamaltrato at pananamantala bilang makabagong uri ng pang-aalipin.
Sinabi ng Obispo na ang paggunita sa araw ng mga dukha ay katuparan at pagsunod sa ikapito at ikasampung utos ng Panginoon na huwag magnakaw at huwag pagnasaan ang mga bagay na hindi pag-aari.
Iginiit ni Bishop Santos na dapat managot sa batas ang mga mapang-abusong employer para mabigyang katarungan ang bawat biktimang OFW.
Tiniyak ng pinuno migrants ministry ng CBCP na patuloy nitong itataguyod ang kapakanan ng mahigit 10 milyong OFWs sa mundo partikular ang nakararanas ng mga pagsubok habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
“For wellbeing of our OFWs whom mostly from poor family or region we promote creation of stable, secured jobs; we protect them from unfair labour practices and unjust salaries,” ani ni Bishop Santos.
Bilang paggunita sa World Day of the Poor handog ng Diyosesis ng Balanga ang tuluyang pag-alis sa Arancel system sa pagbabasbas at misa sa mga yumao habang patuloy pa rin ang mga reporma nito sa paglingap ng mga mananampalataya lalo na sa mga dukha.
“We have already abolished Arancel for funeral blessings and holy masses and in preparation for our 45 years (1975-2020) the Diocese will adapt the no “fee certificate “ for baptismal, confirmation, first communion and marriage bans,” saad ni Bishop Santos.