181 total views
Dapat maging one-team ang paglilingkod ni President Rodrigo Duterte at Vice-President Leni Robredo sa sambayanang Filipino.
Iginiit ni Boac Bishop Enrique Maralit na sa sambayanang Filipino nararapat ang loyalty ng Pangulo at pangalawang Pangulo at hindi sa kanilang partido.
Inihayag ng Obispo na dapat interes ng mga Filipino ang mangingibabaw sa kanilang pag-upo sa puwesto at hindi sa kani-kanilang personal na interes.
Ayon kay Bishop Maralit, dapat ehemplo ng pagkakaisa ang dalawang mataas na lider at hindi pagkakahati-hati ng lipunan.
“Sa akin pong palagay na dahil iisang sambayanang Pilipino naman talaga ang pareho nilang paglilingkuran, dapat naman talaga silang maging one team… for the good of the people and our country. It will best serve the interests of the country…In fact, as President and Vice-president na, their loyalty is to the people and the Philippine Constitution; not anymore to their respective parties and friends… They really should bring unity and not division,” pahayag ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.
Iginiit din ni Malaybalay Bishop Jose Cabantan na dapat maging one working team ang pangulo at pangalawang pangulo ng bansa sa paghahatid ng tunay na pagbabago at serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga mahihirap.
See: http://www.veritas846.ph/one-mind-one-heart-nararapat-kay-president-duterte-vice-president-robredo/