515 total views
Hinimok ni Diocese of Catarman Bishop Emmanuel Trance ang mga Young Men Professional na makiisa sa Secular Oblates of the Holy Family.
Ito ay kaugnay sa isinagawang Establishment as Public Association ng Secular Institute na Oblates of the Holy Family, noong ika-11 ng Nobyembre.
Pinangunahan ng Obispo ang banal na misa bilang pasasalamat sa unang hakbang upang pormal na maitalaga ang Oblates of the Holy Family bilang isang Secular Institute.
Sinabi ni Bishop Trance na isang magandang paanyaya sa mga kabataang lalaki na maging kabahagi ng grupo upang makapaglingkod sa Panginoon habang patuloy na pinagyayabong ang kanilang larangan ng kadalubhasaan bilang mga propesyunal.
“With this they experience the church as a mother. So the model of our becoming a Saint also the Blessed Trinity, those in community and through the family so, I see the importance of this movement of this public association deciding to become a secular institute of the Oblates of the Holy Family.” pahayag ni Bishop Trance sa Radyo Veritas.
Inihayag ng Obispo na kasabay ng Year of the Youth at nalalapit na pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas ay kinakailangang lalo pang mailapit ang mga kabataan sa paglilingkod sa simbahan.
“It is the significance also as we move forward to the celebration of the 500 years of Christianity in our counrty, we are to get the youth.” Dagdag pa ng Obispo.
Ang Secular Institute na Oblates of the Holy Family ay itinatag noong Nobyembre 2017.
Layunin nitong mahikayat ang mga propesyonal na mga kabataang lalaki na ibahagi ang kanilang talento at kaalaman upang mapalawak din ang paglilingkod sa Panginoon at sa simbahan.
Sa kasalukuyan ay meron na itong pitong miyembro subalit umaasa si Bishop Trance na madadagdagan pa ito at tutugon sa tawag ng Diyos at sa kanilang bokasyon ang mas marami pang kabataang lalaki.