177 total views
Inihayag ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña na dapat paigtingin ang pagkakamit ng kalayaan sa pagpili ng relihiyon upang mawakasan na ang suliranin ng pag-uusig ng dahil sa pananampalataya.
Ayon kay Bishop Dela Peña mahalagang magkaisa ang mamamayan na manindigan para sa mga inuusig dahil sa kanilang pananampalataya at tulungang makabangon sa mga pinagdadaanang hamon.
“We need religious freedom that people be allowed to exercise their religion in a way that they have always been guide by their faith commitment,” pahayag ni Bishop Dela Peña sa Radio Veritas.
Ang pahayag ng obispo ay kaugnay sa nalalapit na paggunita ng Red Wednesday campaign sa inisyatibo ng Aid to the Church in Need – Philippines bilang pakikiisa sa mga inuusig na Kristiyano sa buong mundo.
Taong 2017 nang inilunsad ng ACN Philippines sa bansa ang Red Wednesday campaign kung saan isang misa ang iniaalay sa lahat ng biktima ng religious persecution at pagsindi ng kulay pulang ilaw sa labas ng mga Simbahan at ilang gusali.
Ayon kay Bishop Dela Peña na personal nakaranas ng pang-uusig makaraang naganap ang Marawi siege noong 2017, ito ang tamang pagkakataon na makipagkaisa ang mananamapalataya sa pananawagan ng kapayapaan at pagkakaisa sa lipunan.
“This is one opportunity for us to take not the need; not only for Christians but also for other religion minority groups that has been persecuted,” ani ng obispo.
Itinakda ang Red Wednesday campaign sa ika-27 ng Nobyembre sa Manila Cathedral sa Intramuros na magsisimula sa Banal na Misa sa ganap na alas 6:30 ng hapon.
Ikinatuwa ng ACN Philippines na nadagdagan ang mga parokya at paaralang makikiisa ngayong taon na sa kasalukuyan ay nasa 2,000 na mula sa dating 1,136 mga institusyon noong 2018.
Batay sa 2018 Religious Freedom Report tinatayang 300 milyon ang mga Kristiyanong inuusig dahil sa kanilang pananampalataya kabilang na ang Pilipinas kung saan Enero ngayong taon nang pasabugin ang Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo ng teroristang grupo na ikinasawi ng halos 20 indibidwal.