217 total views
Ipag-adya ang bansa mula sa panganib at pagkasira dulot ng mga kalamidad.
Ito ang panalangin ni Tuguegarao Archbishop-emeritus Sergio Utleg, lalu’t magkakasunod ang dumaang bagyo sa cagayan na nakapinsala sa mga residente dahil sa pagtaas ng tubig.
“Lord we ask you to have mercy on our people save us from the devastations brought by floods, typhoons and earthquakes. We know how much you love us. We know that you will never abandon us,” bahagi ng panalangin ni Archbishop Utleg.
Ayon kay Archbishop Utleg-kasalukuyang Apostolic Administrator ng Tuguegarao, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang isinasagawang relief operation sa mga biktima ng baha dulot ng epekto ng nagdaang sama ng panahon, bagyong Ramon at Sarah.
Kabilang sa mga labis na naapektuhan ng pagbaha ang mga bayan ng Abulug, Buguey, Vallesteros, Alacapan at ilang pang bayan sa northern part ng Cagayan.
Tiniyak din ng arsobispo ang pagiging bukas ng simbahan sa sinumang nangangailangan ng pansamantalang kanlungan lalu’t patuloy na nana-nalasa sa norte ang bagyong sarah na inaasahang lalabas ng teritoryo ng Pilipinas sa araw ng sabado.
“Oo. Bukas ang simbahan, wala naman akong alam na napa-flooded na simbahan. Kaya doon talaga sila tumatakbo, of course sa government din, marami silang tinutulong sa mga tao,” ayon pa sa arsobispo.
Si Archbishop Utleg ang kasalukuyang administrator ng Tuguegarao habang hindi pa pormal na nailuluklok si Alaminos Bishop Ricardo Baccay bilang kaniyang kahalili at bagong arsobispo ng Tuguegarao.
Sa ulat, may labing isang bayan sa Cagayan ang nalubog sa baha habang umaabot naman sa P286 na milyong ang mga nasirang pananim kabilang na ang mga bagong tanim na palay.