154 total views
Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, tayo po ay magpuri at magpasalamat sa Panginoon dahil tinipon niya tayo bilang isang sambayanan sa Eukaristiyang ito, at tayo rin po ay nagagalak sa Panginoon dahil tayo ay binigyan niya ng pagkakataon na maghanda sa ating pagpaparangal sa banal na puso ni Hesus sa pamamagitan ng huling araw ng nobena at bukas po ay ipagdiriwang ng ating parokya ang kapistahan. Sana bumalik kayo bukas para sa misa ng pista. Ang atin pong mga pagbasa sa linggong ito ay akmang-akma sa atin pong pagkilala sa puso ni Hesus gayon din ang uri ng puso na tayong mga alagad niya dapat ay mayroon.
Sa mga pagbasa, isang katangian ng kalooban o puso ni Hesus at sana puso natin ang pinapakita nito ay ang kalayaan na sumunod kay Hesus. Sa pang-araw araw na buhay lahat po ng ating mga choices o pagpili, mga desisyon ay may mga kasamang tatalikdan. Halimbawa po ang mga estudyanteng andito, kung gusto mong mag-aral at nagdesisyon ka mag-aaral ako, ngayon mayroon kang mga tatalikuran, hindi ka sasama sa mga barkadang mag-aanyaya sayo o kaya magbabasa ka, hindi ka manonood ng tv. Mga mag-asawa kapag sinabihan ka ng asawa mo huwag ka munang umalis tulungan mo akong mag-alaga ng anak nating may sakit. Kapag nagdesisyon ka, sige mag-aalaga ako ng anak na may sakit meron kang tatalikuran hindi ka makikipagbinggo, hindi ka makiki-majong, hindi ka makikipag-inuman. Hindi pupuwedeng dalhin ko na lang kaya yung anak kong maysakit doon sa may inuman para habang inalagaan ko umiinom ako, dalhin ko na lang kaya yung anak kong may sakit doon sa may tong-its para sabay, hindi sa tunay na buhay kelangang meron kang tatalikuran. Iyong kailangan ng kalayaan kapag ang puso hindi malaya hindi ka makakasabi ng hindi, hindi ka rin makakasabi ng oo. Pinakita po ni Hesus sa ebanghelyo ang puso niya, malayang malaya para tuparin ang misyong iniatang sa kanya. Bagamat may mga panganib sa pagpunta sa Jerusalem tumuloy slya hindi siya mapipigil, malaya siyang ibigay ang sarili para matupad ang misyon. Pagpunta sa Jerusalem ayaw s’yang papasukin ng isang nayon ng Samarya kasi po nung panahon na yon ang mga Hudyo, si Hesus ay Hudyo at mga Samaritano ay magkaaway noong nalaman ng mga taga-Samarya na dadaan, si Hesus ayaw. Hindi papasukin kung tayo si Hesus magagalit ka na ,ano ho? At yung dalawang alagad ni Hesus si Santiago at Juan galit na galit, sabi Panginoon magpababa na tayo ng apoy mula sa langit, tupukin yang mga taga Samarya na yan. Pero si Hesus malaya ang puso, malaya sa galit kahit siya ay tinatanggihan hindi ayaw ko yan, hindi iyan ang aking misyon, ang puso malaya para maging mapayapa, mapagmahal at hindi alipin ng galit. Kita natin sa puso ni Hesus,malaya tuparin ang misyon malaya na umibig kahit na sa galit sa kanya Inaasahan nya ganyan din tayo kalaya yan ang puso ni Hesus kaya tayong mga alagad hinahamon sa ebanghelyo.
Merong gustong sumunod, susunod po ako kahit saan, sabi ni Hesus ang mga asong gubat may lungga, ang ibon may pugad, ako wala akong matuluyan handa ka bang sumunod? Susunod ka ba kapag mahirap na ang buhay o baka kaya ka sumusunod sa akin akala mo easy-easy lang, pinapaalam ko sayo wala tayong matutulugan, magiging malaya pa kaya ba itong gustong sumunod? Si Hesus malaya ang puso ang kanya misyon hindi comfort ang hanap niya. Matupad lamang ang misyon niya kahit ano pang hirap o kahit walang bahay, kahit walang matulugan okay lang basta available for mission, ang hamon niya ikaw susunod ka sa akin handa ka ba? Handa ka ba sa discomfort? Yung isa susunod po ako sa inyo pero ililibing ko muna ang tatay ko, sagot ni Hesus hayaan mo ang mga patay na maglibing sa kapwa patay. Naku po parang ano ho, parang marahas? Pero ano ang punto ni Hesus? parang sinasabi niya ikaw natagpuan mo na ang buhay susunod ka sa akin babalik ka ba sa mga patay? Hayaan mo na ang mga patay sila sila nakita mo na ang buhay sumunod ka na. Mukhang bumalik sa patay. Di ba ganon tayo gusto ko kaliwanag pero kapag nakita yung dilim na parang kaakit-akit balik sa dilim.
May nagkuwento nga sa akin kapag ang doctor daw niya nagsabi sa kanya na bawal kumain ng matataba ng lechon, ano ginagawa niya? naghahanap ng ibang doctor, hindi malaya, hindi malaya na sumunod sa kanyang doctor. Ayaw kang sundin, hanap nalang akong ibang doctor na papayagan ako kumain ng lechon. Ayan, papunta na sa liwanag, may lechon sa dilim balik sa dilim. Hindi malaya yung isa naman sabi susunod ako Panginoon pero magpapaalam muna ako sa nanay at tatay ko, sa aking mga kasambahay, ang sabi ni Hesus ang nag-araro na laging lumilingon aba anong klaseng pag-aararo yan? Hindi po nagiging marahas si Hesus. Mga bata hindi sinasabi ni Hesus na wag kayo magpaalam sa mga magulang nyo ha baka kayo’y magpapalaboy laboy at sasabihin nyo aba sabi ni Hesus. Kung susunod ka kay Hesus, okay pero kung ikaw ay maglalakwatsa lang ay hindi magpaalam ka ang tinuturo ni Hesus ay yung kalayaan ng kalooban at puso kasi alam natin kaya alam natin kay dali ang puso natin maging alipin.
Nakakatuwa sa unang pagbasa si Eliseo tinawag para pumalit humalili kay Elias, si Eliseo ay magsasaka, ano ginawa niya? Umuwi, kinatay ang toro na ginagamit niya pang-araro, ang pamato ginawang gatong niluto yung toro, ginawang panggatong yung pamatong at pinakain sa bayan yung niluto niya. Anong ibig sabihin niya? nagpaalam na siya sa dating buhay, nagpaalam na siya buhay magsasaka, malaya iniwanan upang makasunod sa bagong buhay. Kalayaan na sumunod kay Hesus, kalayaan na magpalam sa maaaring humadlang sa pagsunod kay Hesus. Paalaala ni San Pablo sa ikalawang pagbasa, ang kalayan ay hindi yung basta gagawin ko ang gusto ko hindi ko gusto yang kilay mo ay – kita bat mo ginawa yan? Malaya ako Noong ako po ay nag-aaral sa ibang bansa kapag traffic may mga patayang nangyayari, yung isang nahuli nagdadrive traffic di gumagalaw aba lumabas ng kanyang sasakyan binaril yung driver nung kabilang sasakyan nung nahuli sya tinanong bat mo ginawa yan kasi yung pinapatugtog nyang music di ko gusto para tumahimik patayin ko na sya. Aba, tapos sabi sabi dun sa imbestigador malaya ako, malaya ako, sabi ni San Pablo sa ikalawang pagbasa hindi iyan ang kalayaan na dulot ni Hesus, ang kalayaan na dulot ni Hesus ay mapalaya tayo sa kasamaan. Upang malaya tayong makasunod sa espiritu ni hesus. Yan ang kalayaan sino ang tunay na malaya hindi yung gagawin ang magustuhan hindi ang tunay na malaya yung gumagawa ng mabuti bilang pagsunod sa espiritu santo. Kapag ang aking ginagawa ay ayon sa masama hindi ko tunay na malaya alipin ako ng kasamaan. At yan ang puso ni Hesus sana po sa nobenang ito at sa fiesta bukas yan ang hilingin natin na ang ating mga puso ay maging makaya na sumunod kay Hesus. Malaya na. talikuran ang kasamaan, malaya na sumunod kay Kristo, malaya na tuparin ang ating mga misyon katulad ng kalayan ng puso ni Hesus. Let our hearts be like your heart Jesus. At bilang pagtatapos po naikuwento ko na to sa ibang misa nung minsan po sa kumpil ipinaliwanag ko dun sa kukumpilan na kapag dumating, natanggap nilang muli ang espitu santo sana ang maging bunga ng espirtu santo sa kanila ay maging malaya na sumunod kay Hesus Huwag yung patumpik tumpik, hindi yung titingnan ko, kapag tumawag si Hesus, malaya tugon agad walang makakahadlang. Kapag nag-anyaya si Hesus hindi yung iisipin patingnan ko ha, kung tatanggapin ko hindi kapag sinabi ni hesus magpatawad ka, patawad agad hindi yung iisipin ko pa, hindi ka malaya. Di ba? Isipin n’yo ngayon sino ba yung kaaway niyo, patawarin niyo agad. Hindi yung bukas na o bahala na, hindi ka malaya. Sabi ni San Pablo kapag pinagsalitaan ka ng masama, huwag masama ang sasabihin mo. Sabi nga kapag ikaw pinagsalitaan ng masama god bless you. Tigil ang kasamaan yung kasamaan nya kaya lumalaki Ang masamang salita babanatan ng masamang salita. Hindi pasama nang pasama. Anong ginawa ni Hesus minasama sya tinigil ang iginanti pag-ibig hindi na ngayon makaganti yung mga ano kasi anong gagantihan nila pagibig. Ganyan ang kalayaan pinaliwanag ko yan sa kukumpilan pagkatapos ng kumpil ano ang pipiliin ninyo, pag-aaral o paglalakwatsa. Pagaaral po Malaya na ang puso nila. Ano ang uunahin pagdarasal o panonood ng tv, pagdarasal po wow talagang umeepekto yata ang aking pangangaral kukumpilan na ano ang mas mahalaga ang misa o 30 million dollars, 30 m dollars nako wala alipin na naman. Kaya kailangan tayo humihingi ng biyaya, hindi natin kaya yan palipat lipat tayo minsan malaya, maya-maya hindi na naman malaya. Sa loob ng tatlong segudno kung anu ano ang ating palipat lipat pero ang puso ni Hesus malaya para sa Diyos ako para ako sa kapwa at ganyan sana ang puso natin tayo’y tumahimik sandali ibukas ang ating kalooban sa kalooban ni Hesus at kung meron po kayong nararanasan ang pagkaalipin saglit sa pera sa inggit o kung ano man hilingin natin kay Hesus na tayoy mapalaya.