216 total views
Ni: Norman Dequia at Arnel Pelaco
Ito ay dahil sa kalinga, pagmamahal at pag-asa o ipinagkaloob na “pastoral care” ng Congregation of Religious of the Good Shepherd (RGS).
Sa panayam ng Radio Veritas kay Elone at Ana, mga dating prostitute sa Cagayan de Oro, kanilang ibinahagi na dahil sa pakikiisa, pagmamalasakit, pagpapakain at shelter care ng RGS ay unti-unti silang namulat sa maling gawain at tuluyang nakaahon mula sa tanikala ng prostitusyon.
At bilang pasasalamat, nagsisilbi sa kasalukuyan si Elone at Ana na social worker volunteer o kabilang sa mission partners ng RGS na humihikayat naman sa mga prostitute partikular sa Makati at Pasay area na talikuran na ang pagbibenta ng katawan at panandaliang aliw sa mga lalaki.
Ibinahagi ni ‘Elone’ dating biktima ng prostitusyon at kasalukuyang volunteer social worker ng RGS at bahagi ng Tingog sa Kasanag sa Cagayan De Oro na mahalagang matulungan ang mga kababaihang ibangon ang kanilang dangal upang maligtas sa mga sakit dulot ng prostitusyon tulad ng HIV/AIDS at iba pang nakakahawang sakit.
Lubos naman ang pasasalamat ni Ana sa RGS sa ibinigay na pag-asa sa kanya upang makaahon sa prostitusyon at makapagbagong buhay.
Matapos ang mapait na karanasan sa prostitusyon, naging misyon na ni Ana na tulungan din ang mga babaeng nasasadlak sa pagbibenta ng katawan para sa sexual pleasure ng mga lalaki.
Naniniwala si Sr. Ailyn Binco, Mission Development Coordinator ng St. Mary Euphrasia Integrated Development Foundation, Inc.,(the social welfare and development foundation of Religious of the Good Shepherd(RGS(Religious of the Good Shepherd) na sa pagkalinga ng mga prostituted women ay muling maibalik ang kanilang moral at dignidad bilang babae na kabilang sa mga anak ng Diyos.
“Once a woman undergo healing sessions, she regain her dignity and self-worth; she will reclaim that she is a child of God and will realize that God loves her unconditionally,” pahayag ni Sr. Binco sa Radio Veritas.
Sa panayam ng Radio Veritas sa ilang biktima ng prostitusyon sa Makati Red Light District, pinasok ni alyas “Ana” ang prostitusyon dahil sa labis na kahirapan.
Aniya, bilang single parent mas binibigyang prayoridad ni ‘Ana’ ang kinabukasan ng anak na mabigyan ng wastong edukasyon para sa magandang kinabukasan.
Iginiit naman ni alyas ‘Lyn’ na kailangan nitong tustusan ang pangangailangan ng pamilya dahil iniwan ito ng kanyang asawa kaya’t nagsusumikap itong maghanap buhay at tanging sa prostitusyon napadpad.
“We stared our involvement with the women thru getting to know them: bar visit, informal talk, befriending them, inviting them to our centers, providing sessions: establishing personal relationship with them is very effective; they should feel at home and at peace so that they will trust us,” ani ni Sr. Binco.
Binibisita ng mga madre ang mga bar upang kilalanin ang kababaihang biktima ng human trafficking at makagawa ng hakbang na maalis sila sa prostitusyon.
Kabilang sa mga lugar na tinutungo ng RGS sisters ang Olangapo, Pampanga, Pasay, Ermita, Quezon Ave., Batangas, Cagayan de Oro, Cebu, Makati (P.Burgos area) at sa Baclaran (airport road areas).
RGS PROGRAMS
Para sagipin ang mga babaeng binansagang “sex workers o prosti”, sa pakikipagtulungan sa Saints Peter and Paul Parish, Makati at Natioanl Shrine of Our Mother of Perpetual Help o Baclaran church ay itinatag ang “Marta’s kitchen”.
Ayon kay Sister Binco, layunin ng Marta’s kitchen na makiisa at makilakbay sa mapait na dinaranas ng mga babaeng nasasadlak sa prostitusyon sa bansa.
Tuwing alas-tres ng madaling araw ay pinapakain ng R-G-S sisters katuwang ang mga social worker volunteer at mga layko ng parokya ang mga prosti bilang pakikiisa sa kanilang kalagayan.
DROP-IN CENTERS
Ang advocacy campaign na “drop in center” ay lugar kung saan maaring magpahinga ang mga “prosti” at lugar ng counselling at spiritual formations.
SHELTER CARE
Sa Healing naman itinatayo ang Shelter Care – dito pansamantalang maninirahan ang mga rescued prostituted women habang tinutugunan ang kagalingang pisikal, emosyonal at ispiritwal kabilang na dito ang pagbibigay ng skills training at edukasyon.
AFTER CARE
Habang napapaloob naman sa “after care” ang family reintegration, independent living, job assistance/placement, at educational assistance.
Panoorin at alamin ang mapait na katotohanan na dahilan kung bakit naging bilanggo ng prostitution ang mahigit sa 500,000 Filipina sa dokumentaryo ng TV Maria na ipapalabas sa Sky cable 210, Destiny cable 96, Sky direct 49 at Satlite 102 sa ika-25 ng Nobyembre 2019.
Sa iba pang karagdagang impormasyon sa masaklap na dinaranas ng mga babaeng biktima ng maunlad na “sex commercialization” sa bansa, bisitahin ang veritas846.ph at www.rcam.org na itinanghal na best Diocesan website sa ikaapat na Catholic Social Media Awards.
Kaalinsabay sa paggunita ng International Day for the Elimination of Violence Against Women tuwing ika-25 ng Nobyembre, mariing nanawagan ang RGS sa ehekutibo, lehislatibo at lokal na pamahalaan na tuluyang ihinto ang sex commercialization sa bansa.