197 total views
Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mga kabataan na maging bahagi ng misyon ni Kristo sa sanlibutan sa makabagong panahon.
Sa pagninilay ni Bishop Uy sa pagtatapos ng Diocesan Youth Day, binigyang diin nito na dapat mas paglaanan ng panahon ng bawat isa lalo na ng kabataan si Hesus sa halip ang mga materyal at makamundong bagay.
“Jesus is our King if we can love him more than we love our cellphones. Let us give Jesus more of our time, more than the attention we give to our gadgets. Love Jesus more than you love your cellphones. Be missionaries for Christ. Wherever you go, carry Jesus in your heart,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Uy.
Ang pagninilay ng Obispo ay nakatuon din sa pagdiriwang ng Simbahang Katolika sa Kristong Hari kung saan hinimok ang higit tatlong libong delegado na bigyan ng puwang ang Panginoong Hesus sa puso ng bawat isa sa pamamagitan ng paglalagay ng mga altar sa tahanan, paaralan, opisina at sa iba pang mga lugar.
“Having images of Jesus and enthroning the bible are important expressions of our love for the Lord,” ani ni Bishop Uy.
Napapanahon din ang pagtitipon ng mga kabataan sa diyosesis ng Tagbilaran sa nalalapit na pagtatapos ng Year of the Youth ngayong taon.
Hamon ni Bishop Uy sa kabataan na maging tagapagpalaganap ng kapayapaan at pagkakaisa lalo na sa panahon ng social media.
“Wherever you go, carry Jesus in your heart. In social media, be peacemakers, not bashers; be evangelizers, not self-promoters.” Pahayag ni Bishop Uy
Pinagnilayan din ng Obispo ang pamahayag noon ni Servant of God Bishop Teofilo Camomot na nagsasabing ‘Ang Dios nga naa sa atong altar dili malipay kon siya dili nato dalhon sa atong hunahuna ug kasingkasing [Ang Diyos na nasa ating altar ay hindi natutuwa kung hindi natin Siya isinasapuso at isinasaisip’.
Hinimok ni Bihsop Uy ang mga kabataan na isabuhay ang mga gawi at halimbawa ni Hesukristo sa araw – araw na pamumuhay.
“We prove that Jesus is our king if we allow him to influence our lives, our words and actions, our minds and hearts.”