154 total views
Pinangunahan ni University of Santo Tomas Rector Rev. Fr. Herminio V. Dagohoy, O.P. ang opisyal na pagsisimula ng 2019 UST Christmas Concert ngayong taon.
Sa kanyang pambungad na talumpati ay inihayag ng Pari na ang pamaskong konsyerto ng unibersidad ngayong taon ay bilang pagpapatuloy sa ika-16 na taong tradisyon ng UST na mga serye ng gawain tuwing panahon ng adbyento.
Sinabi ni Father Dagohoy na ang UST concert ay paghahanda sa pagdating ng bugtong na anak ng Panginoon na si Hesus na siyang tagapag-ligtas ng sanlibutan.
Ayon kay Fr. Dagohoy, ang kapangakan ni Hesus ang ginagununita tuwing Pasko na nararapat lamang na ipagbunyi at ipagdiwang ng sanlibutan.
Ipinaliwanag ng Pari na ang musika ay isang paraan ng pagbubunyi at papgpupuri na siyang layunin ng taunang pagsasagawa ng unibersidad ng UST Christmas Concert na ika-16 na taon na ngayong taon.
“The celebration of Christmas fills our hearts with profound love, joy and gratitude. Jesus gives us a wonderful opportunity to feel God’s love for humanity, as the celebration of nativity draws near we must keep in our minds and in our hearts the importance of the birth of our Lord Jesus Christ our savior. The celebration of Christmas every year is a time for us to renew, to reflect and evaluate all and for thanksgiving is to convey our gratitude in the language that we all know and that is through the language of music…” pahayag ni Fr. Dagohoy
Ibinahagi ni Fr. Dagohoy, na ito ay pagpapasalamt ng mga mag-aaral, alumni, propesor at mga opisyal ng University of Santo Tomas sa lahat ng mga biyayang ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat isa sa loob ng isang buong taon.
“The UST Annual Christmas Concert is a way for us Thomasians, to express through music our thanksgiving for the countless blessings God bestowed on us, this university throughout the year…” Dagdag pa ni Fr. Dagohoy.
Samantala, pinangunahan ni UST Conservatory of Music Dean Antonio P. Africa ang pamaskong konsyerto na isinagawa sa UST Santisimo Rosario Parish Church bilang siyang Concert Director ng 2019 UST Christmas Concert ngayong taon.
Ang pamaskong konsyerto ay isa lamang sa mga gawain ng unibersidad bilang paghahanda para sa taunang UST Paskuhan na inilunsad noong taong 1991 na nagsisilbing tradisyon ng paaralan tuwing Pasko na ngayon taon ay nakatakda sa ika-20 ng Disyembre.