193 total views
Ito ang panawagan ni Palo Archbishop John Du sa mga kabataan sa pagdiriwang ng simbahan ng Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples.
Ipinaalala ng Arsobispo ang mga biyaya o regalo ng Panginoon sa mga kabataan at sa bawat mananampalataya ay ipinagkaloob ng Diyos upang gamiting pantulong sa kanilang kapwang dumaranas ng pagsubok sa buhay.
“We challenge our young people to a mission that God has given them the gift, the gift is not for them but to be able to share with the people specially those who are suffering and also that they are being empowered.” Pahayag ni Abp. Du sa Radyo Veritas.
Inihayag ng Arsobispo na ang mga biyayang ito ay ginagamit din sa pagbibigay ng pag-asa sa kapwa, lalo na ngayong panahon ng adbiyento na paghahanda sa pagdating ng Panginoong Hesus.
“God given gift is really for them to share and to give hope to people… this is really the message of hope that the advent is the coming, Jesus is really our savior. It is only in Jesus that we can really be assured that there is what you call the promise of a life full of abundance” Dagdag pa ng Arsobispo.
Umaasa din ang Arsobispo na ang adbiyento ay magiging daan ng pagkakaisa ng bawat tao, magkakaiba man ang paniniwala, at pananampalataya.
Ipinagdarasal ni Archbishop Du na maging daan ito ng pagtutulungan, pagmamahal at pagturing sa bawat isa bilang magkakapatid.
“In this advent season in this ecumenical and interreligious and indigenous, sana magka-unite tayong lahat, we’ll be united that we will be seeing each other as brothers and sisters sana we will never persecute each other but helping one another.” Pahayag ni Archbishop Du.
Ang panahon ng adbiyento ang hudyat ng panibagong taon ng simbahan at ang tema ngayong taon na kaugnay sa paghahanda sa ika-500 taon ng kristiyanismo sa Pilipinas ay Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples.