186 total views
Kasama ang Obispo ng Pilipinas sa pananalangin sa mga biktima ng terrorist attack sa Baghdad, Iraq na ikinamatay ng may 200 katao.
Ipinagdarasal at umaasa si Malaybalay Bishop Jose Cabantan na mabibigyan ng katarungan ang karahasan at terorismo sa Baghdad lalu na para sa mga nagdadalamhating kaanak ng mga biktima.
Panalangin ng Obispo na sa gitna ng karahasan nawa ay maghari pa rin ang kapayapaan ng Diyos, manaig ang kabutihan at kaliwanagan sa lahat ng tao.
Sa pamamagitan nito, tiwala si Bishop Cabantan na matatalo ng tunay na liwanag at kabutihan ng Diyos ang kasamaan na nakikita at nararanasan ngayon ng tao sa pamamagitan ng terorismo, karahasan at kamatayan.
“Let us pray for the victims of violence in Baghdad that they may be given justice. May the God of Harmony and Peace will reign supreme and victorious over the evils in the world who sows, terrorism, violence and death,”mensahe ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas.
Nabatid mula Enero ngayong taon ay umaabot na sa 838 ang insidente ng terorismo sa iba’t-ibang panig ng mundo.