228 total views
Ito ang inihayag ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya matapos pangunahan ang banal na misa sa Cardinal Santos Medical Center.
Isinagawa ang misa kaugnay sa pagbabasbas ng retablo ng kapilya kasabay ang kapistahan ni St. John of the Cross.
Ayon sa Kardinal, mahirap para sa mga tao na makita ang Diyos kung hindi pa nila nararanasan ang paghihirap ni Hesus sa Krus.
“No one can really understand the face of Jesus, the face of the true God, without suffering in the cross… Suffering has a way of opening our hearts to many spiritual riches specially seeing the true God,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.
Dagdag pa ni Cardinal Tagle, ang mga taong may sakit at naghihirap ay maaari din na makapagturo kung paano makita si Hesus.
Giit pa ni Cardinal Tagle sa kanilang paghihirap, at pagtitiis ay tanging ang Panginoon na lamang ang kanilang kinakapitan.
“Even our patients at their low moments could inspire us… Wow! Naturuan ako ng pasyente how to believe against all odds, how to hope and to look forward to see God.So even the sick person is a prophet to people like us. They are sacraments of Christ crucified and we are invited to see the face of God in them.”
Ang Cardinal Santos Medical Center ay dating kilala bilang St. Paul’s Hospital sa Maynila na itinatag ng Maryknoll Sisters bago pa ang World War II.
Ika-15 ng Agosto 1974 nang ilipat ito sa pangangalaga ng Roman Catholic Archdiocese of Manila at tinawag na Cardinal Santos Medical Center.