Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Tagle, nagpaabot ng mensahe sa mga naapektuhan ng lindol sa Davao del Sur.

SHARE THE TRUTH

 226 total views

Inalala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, incoming Prefect of Propaganda Fide ang mga biktima ng magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Davao del Sur sa pagsisimula ng unang Misa de Gallo sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o mas kilala bilang Manila Cathedral.

Inihayag ni Cardinal Tagle na agad siyang nagpaabot ng personal na mensahe sa mga Obispo ng mga diyosesis na naapektuhan ng 6.9-magnitude na lindol sa Mindanao kung saan ang pinaka-sentro ay ang Diocese ng Digos.

Ibinahagi rin ni Cardinal Tagle ang pahayag sa kanya ni Digos Bishop Guillermo Afable na isang Pari ng Diyosesis ang nasugatan sa lindol bukod pa sa maraming ari-arian ang nasira.

Sinabi ni Cardinal Tagle na sa kabila ng trahedya ay tiniyak ni Bishop Afable sa kanya ang patuloy na paggunita at pagsasagawa ng Simbang Gabi at Misa De Gallo sa diyosesis bilang pagpapahayag ng patuloy na pananampalataya sa Panginoon.

“Alalahanin po natin ang mga kapatid natin lalo na sa Mindanao na kahapon ay dumanas na naman ng lindol at mas malakas kaysa sa mga nauna pa, ako po ay nagpadala ng mensahe sa mga Obispo doon sa bahagi ng Cotabato, Davao, Davao Del Sur ang pinakanaapektuhan ay yung nasasakupan ng Diyosesis ng Digos at sabi nung Obispo (Digos Bishop Guillermo Afable) kagabi meron pang isang Pari na sugatan dahil inabutan ng lindol habang bumibisita siya sa isang malayong lugar pero sabi nung Obispo (Digos Bishop Guillermo Afable), Chito Simbang Gabi na bukas at ipapamalas ng sambayanan na kahit na lindol may pananampalataya…” bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle, ito ang tunay na diwa ng Simbang Gabi na maipahayag ang pananampalataya at paniniwala sa biyaya at kaloob ng Panginoon sa sanlibutan sa pamamagitan ng pagtutok kay Hesus na tagapaghatid ng kapayapaan at nagligtas sa sangkatauhan mula sa kasalanan.

“At yun po ang diwa ng Simbang Gabi ‘pananampalataya’ nananalig tayo at naniniwala na mayroong dadating na Hesus, ang Diyos magliligtas, Emmanuel ang Diyos kapiling natin, at sa darating na siyam na araw siya ang ating titingnan para sa pagdating ng Pasko. Siya si Hesus ating tanggapin ng mabago, magkaroon ng liwanag, magkaroon ng kapayapaan ang ating buhay, ang ating pamilya at ang ating sambayanan…” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Dahil dito hinimok ng Kardinal ang bawat isa na alalahanin at makiisa sa lahat ng mga nasalanta ng iba’t-ibang kalamidad na patuloy na nagpapahayag ng kanilang pananampalataya sa Panginoon sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Misa de Gallo at Simbang Gabi sa kabila ng pangamba at takot na dulot ng kalamidad.

Hinamon naman ni Cardinal Tagle ang bawat mananampalataya na makibahagi sa lahat ng 9 na araw na Misa De Gallo o Simbang Gabi na sumisimbolo rin ng pakikibahagi sa 9 na buwang pagdadalang tao ng Mahal na Birheng Maria kay Hesus na siyang Prinsipe ng Kapayapaan at Tagapagligtas ng Sanlibutan.

Pinaalalahan rin ng Kardinal ang lahat lalu na ang mga kabataan na huwag magpalinlang sa mga Fake News o anumang halaga ng salapi kapalit ang katotohanan.

Tinukoy ni Cardinal Tagle na dahil sa mga mali o huwad na mga paratang ay namatay si Hesus sa Krus kaya’t mahalagang maging tunay na saksi ng katotohanan at Mabuting Balita na nais na palaganapin ng Panginoon sa sanlibutan.

“Simbang Gabi siyam na madaling araw o siyam na gabi. Ito po ay mga Misa sa karangalan ng Diyos na pagbibigay niya sa atin ng isang babae na nangangalang Maria na unang tumanggap kay Hesus bilang kanyang anak at sa siyam na buwan dinala niya si Hesus sa kanyang sinapupunan hanggang dumating ang pagsilang. Sa siyam na Simbang Gabi parang sinasamahan natin si Maria ng siyam na buwan, bawat araw isang buwan ng pagbubuntis ni Maria at tayo naman sinasamahan natin siya, natututo tayo kay Maria papaano taglayin si Hesus sa ating buhay. Kaya tayo na nagsimula unang araw, tapusin ang siyam na buwan, tapusin ang siyam kung hindi baka ma-premature…” Ang hamon ni Cardinal

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 24,844 total views

 24,844 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 55,983 total views

 55,983 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 61,568 total views

 61,568 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 67,084 total views

 67,084 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 78,205 total views

 78,205 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pag-uwi ng labi ni Bishop Bastes sa Sorsogon, ipinagpaliban

 8,550 total views

 8,550 total views Pansamantalang ipinagpaliban ang pagdating sa Diyosesis ng Sorsogon ng mga labi ni Sorsogon Bishop-Emeritus Arturo Bastes dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Una ng inihayag ng diyosesis ang nakatakdang pagdating ng mga labi ng dating punong pastol ngayong ika-23 o ika-24 ng Oktubre, 2024 bago pa ang pananalasa ng bagyo

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Maglingkod para sa kabutihan ng kapwa, paalala ni Bishop Dael sa 2025 midterm election candidates

 10,758 total views

 10,758 total views Binigyang diin ni Tandag Bishop Raul Dael na anumang pangarap sa buhay ay hindi lamang sumentro sa pansariling kapakanan sa halip ay sa paglilingkod sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan. Ito ang paalala ng Obispo sa paggunita ng World Mission Sunday noong ika-20 ng Oktrubre, 2024. Ayon kay Bishop Dael, ang bawat

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bishop Bastes, sumakabilang buhay sa edad na 80-anyos

 9,848 total views

 9,848 total views Pumanaw na sa edad na 80-taong gulang ang dating Obispo ng Diyosesis ng Sorsogon na si Bishop Emeritus Arturo Bastes ganap na alas-sais y medya ngayong umaga, ika-20 ng Oktubre, 2024. Ipinanganak noong April 1, 1944 sa Loboc, Bohol si Bishop Bastes ay naordinahang pari noong November 28, 1970 sa Society of the

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese of Gumaca, makikibahagi sa one million children praying the rosary

 11,199 total views

 11,199 total views Inihayag ng Diyosesis ng Gumaca ang pagdaragdag ng intensyon sa pakikibahagi ng diyosesis sa nakatakdang One Million Children Praying the Rosary Campaign. Sa pamamagitan ng liham sirkular ay inihayag ni Gumaca Diocesan Administrator Rev. Fr. Ramon Uriarte ang pagdaragdag ng intensyon ng pananalangin ng Santo Rosaryo para pagdating ng bagong Obispo ng diyosesis

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

ACN Philippines, umaapela ng suporta sa “One million children praying the rosary”

 11,307 total views

 11,307 total views Inaanyayahan ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) ang mamamayan na makibahagi sa One Million Children Praying the Rosary Campaign sa ika-18 ng Oktubre, 2024. Ayon kay ACN – Philippines Chairperson, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, iaalay ang sabay-sabay na pananalangin ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Philippine Jesuit Prison Service, nagbigay ng seminar sa mga kabataang PDL

 13,855 total views

 13,855 total views Puspusan ang isinasagawang hakbang ng prison ministry at socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) upang magabayan at mabigyang pag-asa ang mga naligaw ng landas lalo’t higit ang mga kabataang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakagawa ng pagkakamali sa buhay. Sa ilalim ng psycho-spiritual, at strengths-based initiative ng na Philippine Jesuit

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

MAGPAS, simula ng paghahanda ng Archdiocese of Manila sa Jubilee year 2025

 13,136 total views

 13,136 total views Inilaan ng Archdiocese of Manila sa paghahanda sa nakatakdang Jubilee Year 2025 ang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa susunod na buwan ng Nobyembre 2024. Sa sirkular ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ay inihayag ng Arsobispo ang paglalaan ng MAGPAS para sa pagbabahagi ng katesismo bilang paghahanda sa nakatakdang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SOAP project, muling inilunsad ng PJPS

 9,567 total views

 9,567 total views Muling inilunsad ng Philippine Jesuit Prison Service ang Simple Offering of Affection for Persons Deprived of Liberty o S.O.A.P Project bilang bahagi ng paggunita sa 37th Prison Awareness Week ngayong taon. Layunin ng proyekto na makapangalap ng sapat na pondo upang makapagkaloob ng mga hygiene kits partikular ng mga sabong pampaligo, panlaba at

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CHR, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng OFW na binitay sa KSA

 12,141 total views

 12,141 total views Nagpahayag ng pakikiramay ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga naiwang pamilya ng Pilipinong binitay sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA). Kaugnay nito, mariing nanawagan ang Komisyon ng Karapatang Pantao na pinangangasiwaan ni CHR Chairperson Richard Paat Palpal-latoc sa pamahalaan na higit pang paigtingin ang pagsusumikap na matiyak ang kapakanan at kaligtasan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CADP, muling nanindigan sa death penalty

 11,721 total views

 11,721 total views Muling binigyang diin ng Coalition Against Death Penalty (CADP) ang panawagan sa pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay sa gitna ng patuloy na pag-iral ng parusang kamatayan o capital punishment sa iba’t ibang bansa. Ito ang muling panawagan ni CADP President Karen Lucia Gomez-Dumpit sa paggunita ng World Day Against the Death Penalty

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

NHCP, nagpaabot ng pagbati sa Cardinal-designate David

 9,822 total views

 9,822 total views Nagpahayag ng pagbati ang National Historical Commission of the Philippines sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng Simbahan. Ayon sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, bilang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan at Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naging

Read More »

NHCP, nagpaabot ng pagbati sa Cardinal-designate David

 9,277 total views

 9,277 total views agpahayag ng pagbati ang National Historical Commission of the Philippines sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng Simbahan. Ayon sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, bilang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan at Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naging

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pagtatalaga sa pangulo ng CBCP bilang Cardinal ay pagsasabuhay ng simbahang sinodal-de Villa

 9,869 total views

 9,869 total views Naniniwala ang dating kinatawan ng Pilipinas sa Vatican na ang pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ay isang ganap na pagsasabuhay sa pagkakaroon ng Simbahang sinodal. Ayon kay former Ambassador to the Holy See Henrietta De Villa, ang pagkakatalaga kay Cardinal-elect David bilang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagpaabot ng pagbati kay Cardinal-elect David

 9,979 total views

 9,979 total views Nagpahayag ng pagbati ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng simbahan. Ayon kay LAIKO National President Bro. Francisco Xavier Padilla, lubos ang kagalakan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Simbahan, tiniyak ang pagiging kanlungan ng mga mananampalataya

 12,813 total views

 12,813 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng Simbahang Katolika saan mang panig ng mundo upang magsilbing kanlungan ng mga mananamapalataya lalo’t higit ng mga Pilipino na naghahanapbuhay at naninirahan sa ibayong dagat. Ito ang bahagi ng mensahe ni Novaliches Bishop Roberto Gaa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top