178 total views
Iminungkahi ng Ibon Foundation ang mga dapat paglaanan ng P3.3 trillion proposed national budget ng Duterte administration.
Ayon kay Ibon Foundation executive director Sonny Africa, magandang mapa – unlad ng bagong administrasyon ang mga imprastraktura sa labas ng Merto Manila lalo sa mga kanayunan sa Visayas at Mindanao.
Nanawagan si Africa sa Duterte administration na palawigin pa ang proyektong pang – agrikultura upang lumago ang merkado ng agricultural products sa bansa.
“Tatlong magandang gawin sa gastos ng gobyerno. Unang – una iwasan na yung masyadong malaking imprastraktura na nakasentro dito sa NCR. Ikalawa, paramihin talaga yung gastos ng infrastructure sa mga rehiyon lalo na para sa pakinabang ng mga magsasaka para sa market growth, irrigation mahalagang – mahalaga at iba pa,” bahagi ng pahayag ni Africa sa panayam ng Veritas Patrol.
Idinagdag rin nito ang pagdaragdag ng social services ng pamahalaan na makababawas sa gastusin ng mga nasa mahigit 12 milyong mahihirap na pamilyang Pilipino.
“Ikatlo, tingin namin dagdagan talaga yung gastos dun sa social services. Kasi sa ngayon ang laki ng gastos ng karaniwang pamilya sa kalusugan, ospital, edukasyon lalo na sa pag – privatized dito. Malaking pagaan yan sa mahihirap na pamilya kung palalawakin ang public social services,” giit pa ni Africa sa Radyo Veritas.
Nabatid na ang iminungkahing P3.3 budget para sa taong 2017 ay mas mataas ng 10 porsyento kumpara sa 2016 budget ito’y upang palakasin ang infrastructure spending.
Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika mainam na laging maisalang – alang ng pamahalaan ang kumun na serbisyo sa bawat mamamayan.