341 total views
Patuloy na pinaalalahanan ng mga lingkod ng Simbahan ang mga mananampalataya na si Hesus ay laging nananahan sa bawat isa sa kabila ng iba’t-ibang hamong kinakaharap sa buhay.
Dalangin ni Boac Marinduque Bishop Marcelito Maralit na samahan tayo ng Mahal na Birheng Maria sa bagong taon na tigib ng kagalakan at buo ang pagtitiwala sa Diyos.
“May our Blessed Mother help us greet this New Year with humble and joyful awareness that “God is always with us! The true blessing of any Year,” mensahe ni Bishop Maralit.
Hinimok naman ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Biblical Apostolate ang mamamayan na patuloy na maging tagapagpalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon.
“As we enter the new year 2020, we carry in our hearts the Good News of God having become one with us which we have just celebrated this Christmas and this Good News now impels us to be ever mindful of our mission, with undeniable urgency to respond to the call of His Holiness Pope Francis “PEACE as a Journey of Hope:Dialogue, Reconciliation and Ecological Conversion,” saad ni Bishop Bancud.
Inaasahan naman ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na maging masigasig ang bawat Filipino sa pagkamit ng tunay na kapayapaan alinsunod sa panawagan ni Pope Francis sa ika – 53 World Day of Peace.
“Nawa’y sa pamamagitan ng dialogue, reconciliation at ecological conversion na siyang payo ng Mahal na Santo Papa Pope Francis patuloy nating tahakin ang ating paglalakbay ng pag-asa tungo sa pagkakaisa,kapayapaan at pag-unlad. Hindi tayo nag-iisa sapagkat kasama natin ang Diyos,”pahayag ni Bishop Alminaza.
Unang sinabi ni Pope Francis sa dakilang Kapistahan ni Maria bilang Ina ng Diyos na tularan ito na buong pusong tumugon sa kalooban ng Diyos.