264 total views
Hinimok ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na gawing inspirasyon ang Senior Sto. Niño sa paglingap sa kapwa partikular ang mga napabayaan at naisasantabi sa lipunan.
Sa pagninilay ni Bishop Santos sa kapistahan ng Santo Niño, sinabi nitong sa kabila ng pagiging bata ni Hesus ay buong puso nitong tinanggap ang misyon ng Diyos Ama para sa sanlibutan.
Dahil dito, hinimok ng obispo ang bawat isa na ipadama sa kapwa ang kalinga tulad ng ipinadama ng Panginoon sa sangkatauhan.
“Our affection to Santo Nino must lead us to help and heal those who are hurting, and now they our brothers and sisters in Batangas; our devotion to Him urges to take good care of those who are least, last and lost in our society,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Binigyang diin ni Bishop Santos na ang pagdedebosyon sa Santo Niño ay maghahatid sa kabataan sa payapa, ligtas at maunlad na lipunan.
Hinikayat ng obispo ang mamamayan na tularan si Hesus sa pagiging masunurin sa kagustuhan ng Diyos Ama tulad ng pagsunod ni Jose at Maria.
“Let us live our life on obedience, in submission to God’s will and under the guidance of our parents,” ani ng obispo.
Pinaalalahanan naman ni Bishop Santos ang bawat isa na sa kabila ng mga kalamidad na nagaganap sa paligid at pagsubok na kinakaharap sa buhay ay nanatiling kaisa ang Diyos ng sangkatauhan.
“In spite of natural calamities in our country, like Santo Nino, let us be dependable to God and ever trusting to Him. Whatever is happening in our lives, be like Santo Nino, always call on God and ran to God.”
Nawa’y ipadama ito sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal lalo’t mahigit sa 142, 000 indibidwal ang lumikas sa Batangas partikular ang naninirahan sa 14 kilometer radius permanent danger zone.