210 total views
Naniniwala ang Ibon Foundation na ilang mga mayayamang dayuhang negosyante lamang ang nakikinabang sa paglago “Foreign direct investment” (FDIs) ng bansa.
Ayon kay Ibon executive director Sonny Africa masyadong maluwag ang bansa sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa na kinakawawa ang lakas ng paggawa.
Naniniwala si Africa na hindi senyales ng paglago foreign investment sa bansa ang kaunlaran nito kundi ang pagbibigay ng sapat na oportunidad at benepisyo sa mga ordinaryong manggagawa.
“Well, ang ipinapakita naman niyan ay napakabukas ng gobyerno. Nakabukas siya sa foreign investment na makinabang dito murang lakas paggawa o maging sa ating likas yaman. Tingin namin hindi dapat ituring na senyales ng pag – unlad yung tuloy – tuloy na pagbuhos ng investment dito. Senyales yan na maraming ibinibigay na oppurtunities para kumita ang mga dayuhan sa likas na yaman sa lakas paggawa natin. Kahit na ituring yan na bilang positibo actually ipinapakita nga kung gaano kalaki ang kita na ibinibigay sa mahihirap na kumita dito sa Pilipinas,” bahagi ng pahayag ni Africa sa panayam ng Veritas Patrol.
Batay sa inilabas na datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, lumago ang foreign direct investment ng bansa nitong unang apat na buwan ng taong 2016 nang $2.2 bilyong dolyar.
Nauna na ring ipinaalala ng kanyang Kabanalan Francisco ang “Trickledown Theory” na kailangan maambagan ng kaunlaran ang mga mahihirap na taumbayan.