185 total views
Itinuturing ng isang Mindanao Bishop na bahagi ng “throw away culture” sa lipunan ang sunod-sunod na pagpatay sa mga pinaghihinalaang drug users at drug pushers na hindi dumadaan sa due process.
Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, panibagong karahasan at patuloy na kasamaan ang iiral sa bansa kapag patuloy na itinuturing na basura at walang halaga ang buhay ng mga mahihirap na pinaghihinalaang drug users at drug pushers.
Nanindigan ang Obispo na ang lahat ay may karapatan sa due process maging sila ay masama o mabuting tao.
Iginiit ni Bishop Cabantan na ang buhay ng tao ay sagrado at hindi isang basura na walang halaga at itinatapon lamang. Malaking katanungan naman para kay Bishop Cabantan kung bakit mga “small time” o mga maliliit at mahihirap na drug users at pushers lamang ang napapatay sa pina-igting na kampanya ng Philippine National Police sa laganap na droga sa bansa.
Aminado si Bishop Cabantan na masama ang illegal na droga dahil pumapatay ito sa kinabukasan ng isang tao at sumisira sa pamilya, subalit ang pagpatay sa mahihirap na biktima ay panibagong kasamaan na dapat nating labanan.
“We know how evil drugs are, it destroys life, kills the future of the person, it badly affects the family and society, but killing the poor users and pushers is just another evil which should stop. Their life still remains precious which needs to be saved. Violence only escalates in society in that manner. And why only the poor pushers and users are being killed? Are they considered disposables in society, part of a throw away culture?” pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas.
Unang ipinangako ni President Rody Duterte na aabot sa 100-libong drugs users at pushers sa kanyang idineklarang war on illegal drugs.