271 total views
Hinirang ng Kanyang Kabanalan Francisco si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo bilang Tagapangasiwa ng Arkidiyosesis ng Maynila habang wala pang itinalagang kapalit kay Cardinal Luis Antonio Tagle.
Si Bishop Pabillo, ang kasalukuyang katuwang na obispo ng Maynila at chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity at Sangguniang Layko ng Pilipinas.
Batay sa pahayag ng The Manila Cathedral, tutukuyin sa lahat ng mga Misa partikular sa Eucharistic prayer si Bishop Pabillo bilang Broderick na aming Tagapangasiwa o Administrator.
Si Bishop Pabillo ay itinalaga bilang Auxiliary Bishop ng Archdiocese ng Manila noong ika – 24 ng Mayo 2006.
Si Bishop Pabillo na member ng Salesians Priest of Saint John Bosco ay inoordinahang pari ng namayapang Manila Archbishop Jaime Lachica Cardinal Sin noong ika-8 ng Disyembre 1982.
Pinangunahan ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales, Papal Nuncio to the Philippines Cardinal Fernando Filoni at Apostolic Vicariate of Palawan Bishop Pedro Arigo ang consecration ni Pabillo bilang Obispo noong August 19, 2006.
Itinuturing si Bishop Pabillo na isang “Theologian at isang bible scholar” matapos siyang mag-aral sa Pontifical Biblical Institute sa Roma.
Si Bishop Pabillo ay aktibong nakikiisa sa mga usaping panlipunan kabilang na ang pagtatanggol sa karapatang pantao, kalikasan at iba pa noong maging chairman ng CBCP-NASSA.
Siya rin ay bahagi ng Board of Trustees ng Philippine Bible Society kaya’t kabilang sa mga adbokasiya ng Obispo ang paghimok sa mananampalataya na magbasa ng bibliya at ipalaganap ang mabuting balita ng Panginoon.
“Fides in Caritate” o Saved by faith ang motto ni Bishop Pabillo.