308 total views
Ito ang hangarin ni Apostolic Vicariate of Tabuk Bishop Prudencio Andaya Jr. – dating Chairman of CBCP Episcopal Commission on Indigenous People ang isa sa prayoridad at tinututukan ng Simbahang Katolika sa lalawigan.
Ito ay kaugnay na rin sa ipinagdiriwang ng simbahan ng Pilipinas na Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous People.
Ayon sa Obispo, dahil sa hindi pagkakasundo ng iba’t ibang tribu ay marami sa mamamayan ang dumaranas ng kahirapan na kabilang sa tinutugunan ng Simbahan katulad ng mga hakbang upang maisulong ang peace movements.
“Mula nung naging Obispo ako sa Kalinga ang parang priority namin ay yung peace movements, yung unity ng mga tao, pagkakaisa ng mga tribu pagkatapos yung ang palagi naming ginagawa doon, tinututulungan namin sila dahil nang mga naghihirap dahil sa mga away-away ng mga tribu kaya doon kami tumutulong sa kanila,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Andaya sa panayam sa Radyo Veritas.
Ipagdiriwang naman sa ika-12 hanggang ika-14 ng Pebrero ang pagdiriwang ng Silver Jubilee ng Kalinga bilang isang lalawigan.
Ayon kay Bishop Andaya, tema ng pagdiriwang ang “The Call of a Thousand Gongs, The Dance of a Thousand Pots” kung saan inaasahan ang pagtitipon-tipon ng mga tribu sa lalawigan upang ipamalas ang kanilang tradisyunal na sayaw at paraan ng pagdiriwang.
Tampok sa pagdiriwang ayon sa obispo ang bahaging ginagampanan ng Kalinga women bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapatatag ng cultural identity na sinisimbolo ng Palayok na ginagamit ng mga kababaihang katutubo sa pang-araw-araw na pangangalaga sa kanilang mga pamilya.
Nauna ng inihayag ni Bishop Andaya na 90-porsyento sa kabuuang populasyon ng Apostolic Vicariate of Tabuk ay binubuo ng mga katutubo mula sa iba’t ibang tribu sa Kalinga at Apayao.
Taong 1920’s ng nagsimula ang ebanghelisasyon sa lugar kung saan isinusulong ng Simbahang Katolika ang pagbabahagi ng mabuting balita upang mapalalim ang pananampalataya ng mga katutubo at kanilang matagpuan ang Panginoon ng pag-ibig habang patuloy na ipinapamalas ang kanilang cultural practices at Indigenous belief.
Sa kasalukuyang mahigit sa 17 taon ng nagsisilbing Obispo ng Apostolic Vicariate of Tabuk si Bishop Andaya mula ng maitalaga taong 2003.