378 total views
Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang kabataan na ang pag-ibig ay hindi lamang romantic feeling o nagpapakilig.
Ito ang mensahe ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth kaugnay sa pagdiriwang ng Valentines Day.
“But it is not only that, the deeper love is more shown in the spirit of sacrifice. Kaya it is not about the self at yung mas malalim ‘yung nagsasakripisyo tayo dun sa mahal natin. Love is best express in sacrifice,” ayon kay Bishop Alarcon.
Sa halip, inihayag ng Obispo na ang pag-ibig ay hindi lamang para sa sarili kundi higit para sa kapwa at nangangahulugan din ng pagsasakripisyo.
Pinayuhan ni Bishop Alarcon ang mga kabataan na patuloy na ipahayag ang pagmamahal lalu na sa mga magulang at higit sa lahat sa ating Panginoon.
“Kaya ang advise ko, wag lang tayo basta maghintay but let us greet friends, call our parents, let us show expression of love sa kahit na maliliit na bagay,” ayon sa obispo.
On divorce bill
“For love to be strong and solid it is to be anchored on the love of God. For God remains faitful, God’s love is constant,” dagdag pa ng Obispo.
Hinihimok ng Obispo ang mga nais na mag-asawa na iwaksi sa kaisipan ang paghihiwalay sa pagpasok sa sagradong relasyon.
Ayon kay Bishop Alarcon, kailangang isaisip kung paano palalaguin at payayabungin ang pagsasama sa piling ng minamahal.
“Ang intensyon is to make it work, to make the beloved happy. It is not just, naranasan mo ang inconvenience, difficulty it is easy to say no, but rather… it is not only about marriage but many things in our lives is to really work for. In a way we say, love is a project,” ayon kay Bishop Alarcon.