Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Madre na kasama ng drug lord sa larawan-nagsalita na

SHARE THE TRUTH

 200 total views

Nagsalita na ang isang madre ng Simbahang Katolika na naging viral sa social media partikular sa Facebook dahil sa kasama nito sa isang larawan ang convicted drug lord na si Herbert ‘Ampang’ Colangco sa loob ng NBP o New Bilibid Prison. Ayon kay Sr. Zeny Cabrera, Caritas Manila Restorative Justice Ministry coordinator ng Archdiocese of Manila, bilang isang taga Simbahan at taga-sunod ni Kristo na hindi namimili ng mga taong kanyang sasamahan at makakasalamuha, ganito ang naging papel niya sa buhay ni Colangco.

“Hindi ba tayo ang followers ni Jesus, dapat tanungin natin sa sarili natin are we truly following him on what he did here on earth nung kasama natin siya, hindi ba siya kasa-kasama na-identify sa kung sino-sinong tao kasama na ang mga sinners, sa palagay ko yung ginagawa natin hindi man tayo karapat-dapat pero yung efforts natin na maging katulad niya, ni Jesus hindi siya namili ng mga tao, at hindi niya sinabi na sa mayayaman o Professional o may alam ako makikisama, ang ginawa niya nakisalamuha siya sa lahat sa mga nangangailangan sa kanya,” pahayag ni Sr. Cabrera sa panayam ng programang Barangay Simbayanan sa Radyo Veritas.

Sinabi ng madre na ang larawan ay kuha nang magbigay ang Ministry ng ‘Certificate of Recognition’ sa mga bilanggong nagpakita ng pagbabagong buhay base na rin sa paghihikayat ng gobyerno upang mapaikli ang taon ng kanilang sentensiya.

“Itong issue ng Facebook, hindi kami gumagamit ng Facebook, but we do update ourselves, I was informed, na nasa FB daw ako at katabi ko si Colangco, that time if I may recall may hawak ako ng certificate of recognition not for me but for this people na nangangailangan ng certificate or their good conduct time allowance, because they were encourage even by administration kapag gusto ninyong makalaya at mabawasan ang inyong numero ng pagtigil sa loob, ipakita ninyong kaya ninyong tulungan ang sarili ninyo that you can do good for the community and for othe people, sila sumusunod sa programa ng reformation ng rehabilitation na ginagawa naming,” ayon pa sa madre.

Sinabi ng madre na hindi niya ipinagtatanggol si Colangco o sinumang nasa bilangguan kundi ang nais lamang nila ay ihatid sa lahat lalo na sa mga makasalanan na ang awa ng Diyos ay para sa lahat.

“Hindi ko pinagtatanggol si Colangco at ang mga makasalanan o mga bilanggo, ang sinusunduan namin ang pagkilos ni Kristo, ng Diyos ng awa na tinatanggap nila sa kanilang buhay. Walang exclusivity ang awa ng Diyos, ang awa ng Diyos ay para sa lahat, it is not exclusive, it is inclusive, sabi nga ni Cardinal Tagle sa kanyang talk sa PCNE3 ang ating Panginoon ay Diyos ng awa at para sa lahat hindi namimili, so walang basehan para husgahan sila, makita natin ang kasamaan nila pero lumulutang at nangingibabaw ang kilos ng Diyos sa kanila…If they come to us naturally they will like to be identify with us, kasi mga madre kami, nakabelo sugo kami ng Simbahan, we did what we did what we think is right and what we believe in, I’m affected by that, di kami basta pumapasok ng nagdadala ng programa, ang programa namin ay programa ng buhay para sa lahat para sa kanila,” ayon pa kay Sr. Cabrera.

Kaugnay nito, ayon kay Sr. Cabrera, kinakailangang bigyan ng pagkakataong magbagong buhay ang mga bilanggo gaano man kabigat ang kanilang kasalanan gaya ng pagsentensiya na lamang sa kanila ng ‘Reclusion Perpetua’ sa halip na isalang sa capital punishment na death penalty na nais ibalik ng bagong administrasyon.

Ayon sa madre, hindi man mabigyan ng pagkakataon ng tao at ng lipunan na magbagong buhay ang mga kriminal gaya ni Colangco, nariyan naman ang Diyos na handang tumugon na mabigyan ng kabutihang loob ang mga ito.

“Anong gagawin natin sa mga durugusta, sa mga durg lord, hindi ako naniniwala na dapat na lamang sila pagpapatayin, the death penalty is no for us at ano ang alternative, it may be Reclusion Perpetua pwede siya ikulong, pero yung pagkulong, dun kumikilos ang pagkilos ng Diyos sa kanilang buhay, di sila kinakailangan pakawalan, pero pwede kumilos ang Diyos sa kanilang buhay, pwedeng baguhin ang misyon ng kanilang pamumuhay, at doon kami tumutugon ang Simbahan na katulad ni Hesus binibigyan kami ng courage na makatulong sa kanila, so nang tinanggap ni Colangco, who is this person, sabi nila siya ay ganito ganyan, pero If they discover that in the heart of this person ay may ipinunlang kabutihan ang Diyos sa kanyang puso,” ayon pa sa madre.

Sinabi pa ni Sr. Cabrera kundi man makalaya ang mga makasalanan gaya ng mga bilanggo mula sa pagkakakulong, makakalaya naman sila sa kasalanan at ito ang pag-asang nakikita sa kanila.

“Kung nagbigay kami ng certificate of recognition, that will be an added point to their good conduct time allowance and this people kahit na wala ng pag-asa, but they hope against hope, at kung di sila makalaya mula sa loob ng kulungan at least makalaya sila sa kasalanan, yun ang nakikita naming pag-asa, may pag-asa sa kanila, well maaring sa tao sa society wala silang pag-asa, pero ang Diyos ay Diyos ng lahat ng mabubuti at ng makasalanan, ang araw sumisisikat hindi lamang nasa labas, may araw at langit din sa Muntinlupa,” pahayag ni Sr. Cabrera.

Si Colangco ay nasangkot sa mga bank robberies at sindikato ng droga sa Metro Manila at nasa maximum security compound ng NBP simula 2009.

Sinasabing habang nakakulong si Colangco, binibigyan ito ng VIP treatment dahil na rin sa kaniyang koneksyon sa loob at labas ng kulungan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 3,611 total views

 3,611 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 18,267 total views

 18,267 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 28,382 total views

 28,382 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 37,959 total views

 37,959 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 57,948 total views

 57,948 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 65,684 total views

 65,684 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa University of Santo Tomas. Tema ng PCNE 10 ang paggunita sa unang dekada ng gawain ang ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni

Read More »
Cultural
Veritas Team

Mananampalataya, hinikayat na face to face dumalo sa mga gawaing simbahan

 81,689 total views

 81,689 total views Hinihikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mananampalataya sa diyosesis na bumalik na sa mga parokya sa pagdalo ng mga gawaing pangsimbahan at pagdiriwang ng misa. Nilinaw naman ng obispo na hindi pa binabawi ang dispensation sa online masses lalo’t nanatili pa ring umiiral ang novel coronavirus pandemic. Ipinaliwanag ng Obispo na marami

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kwaresma; Paanyaya sa pagbabalik-loob sa Panginoon

 81,696 total views

 81,696 total views Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi ipinipilit ng simbahan sa mananampalataya ang pagsisisi sa mga kasalanan, kundi isang paanyaya sa bawat isa sa pagbabalik-loob sa Panginoon. Ito ang nilinaw ni Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs sa pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo o

Read More »
Cultural
Veritas Team

Manatiling matatag, panawagan ng Obispo sa mga napinsala ng bagyo

 84,749 total views

 84,749 total views Manatiling matatag sa kabila ng pagsubok at pinsalang idinulot ng bagyong Karding. Ito ang mensahe ni Cabanatuan Nueva Ecija Bishop Sofronio Bancud sa mga mamamayan na nasalanta ng bagyo. Ayon sa Obispo, batay sa ulat ng Cabanatuan Social Action Center (SAC) ng Diocese of Cabanatuan, karamihan ng naging pinsala sa lalawigan ay pinsala

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Karding, panalangin ng mga Obispo

 80,487 total views

 80,487 total views Hinimok ng mga Obispo ng Simbahang Katolika ang mamamayan na sama-samang hilingin sa panginoon ang kaligtasan sa banta ng supertyphoon. Ipinapanalangin ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang kaligtasan ng lahat sa pananalasa ng Super Typhoon Karding sa bansa. Ayon kay Bishop Presto, maliban sa pananalangin, nawa’y manatili rin sa bawat

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pangalagaan ang kalayaan at demokrasya ng Pilipinas, panawagan ng simbahan

 80,673 total views

 80,673 total views Nakikiisa ang ilang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa paggunita ng sambayanan sa ika-50-anibersaryo ng Martial Law sa ilalim ng pamumuno ng dating si Pangulong Ferdinand Marcos. Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo-chairman ng CBCP-Office on Stewardship nawa ay pangalagaan ng bawat Filipino ang tinatamasang kalayaan at demokrasya

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pamahalaan at simbahan sa Pilipinas, nakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

 104,676 total views

 104,676 total views Nakikiisa ang sambayanang Filipino sa pagpanaw ng Reyna ng Britanya na si Queen Elizabeth II sa edad na 96. Ayon kay President Ferdinand Marcos Jr., kilala si Queen Elizabeth sa debosyon ng paglilingkod sa kanyang nasasakupan. “It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen

Read More »
Cultural
Veritas Team

Distortion of history, pinalagan ng Carmelite Sisters

 80,470 total views

 80,470 total views Naglabas ng pahayag ang Carmelites Monastery ng Cebu laban sa isang eksena ng pelikulang Maid in Malacañang na nagpapakita na ang mga madre kasama ang dating Pangulong Corazon Aquino na naglalaro ng mahjong. Ayon sa inilabas na pahayag ng Carmelites, ang eksena ay malisyoso at walang katotohanan. Ipinaliwanag ni Sr. Mary Melanin Costillas-prioress

Read More »
Cultural
Veritas Team

CBCP President, humiling ng panalangin sa kaligtasan ng mga nakaranas ng lindol sa Mindanao

 76,257 total views

 76,257 total views Humihiling ng panalangin si Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kaugnay sa malakas na lindol na naranasan sa Mindanao. Ayon sa Arsobispo, naramdaman sa Davao City ang malakas na pagyanig na naganap ala-una ng madaling araw. Ibinahagi ng Arsobispo na nagising siya sa malakas na pagyanig kung

Read More »
Cardinal Homily
Veritas Team

A listening Shephered to the flock

 48,406 total views

 48,406 total views AUDIAM- I will listen Ito ang commitment ni Jose Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila. Sa kanyang homiliya, inihayag ni Cardinal Advincula ang hangarin na maging “Listening Shepherd” sa mga kawan o mananampalataya na ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga lalu na ang mga pari, consecrated person at laiko ng Archdiocese of Manila.

Read More »
Cultural
Veritas Team

Radio Veritas back in full operation after lockdown

 37,451 total views

 37,451 total views We continually receive blessings from the Lord amidst the trial of the pandemic, and for this we are daily grateful and thankful. Radyo Veritas, after several days of shifting place of operation from the studio in Quezon city to the transmitter site in Bulacan to do broadcast as effect of several covid cases

Read More »
Cultural
Veritas Team

Tanggapan ng Radio Veritas, isinailalim sa “pansamantalang lockdown”.

 36,792 total views

 36,792 total views Tiniyak ng himpilan ng Radio Veriras 846-ang Radyo ng Simbahan na patuloy na mapakikinggan sa himpapawid at mapapanood sa pamamagitan ng video streaming at Veritas 846 facebook page ang mga misa at mga programa ng himpilan. Ito ay kaugnay sa ipatutupad na ‘pansamantalang lockdown’ o pagsasarado ng Radio Veritas main studio na matatagpuan

Read More »
Cultural
Veritas Team

IATF restrictions sa Simbahan, labag sa religious freedom at separation of church and state

 36,815 total views

 36,815 total views Tiniyak ng pinuno ng Arkidiyosesis ng Maynila na ipagpapatuloy ang mga pampublikong misa at mga gawaing simbahan ngayong Semana Santa maging ang pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay. Ito ay sa kabila ng inilabas na bagong alituntunin ng Inter-agecny Task Force na pagbabawal sa mga religious mass gatherings dahil sa pagtaas ng kaso ng

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pinuno ng Caritas Manila at Radio Veritas, nagpositibo sa COVID-19

 36,562 total views

 36,562 total views Nanawagan ang Caritas Manila at Radio Veritas ng panalangin para sa mabilis na kagalingan ng pinuno ng dalawang institusyon ng Simbahang Katolika matapos magpositibo sa COVID-19. Nabatid sa isinagawang RT-PCR swab test na positibo si Rev. Fr. Anton CT Pascual at ilang opisyal at kawani ng Caritas Manila sa COVID-19. Kasalukuyang nagpapagaling sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top