157 total views
Pinag – iingat ni Diocese of Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) matapos managa ng mga pasahero ng tren ang isang 17-taong gulang na lalaking Afghan refugee sa Wurzburg, Germany.
Aniya, maliban sa patuloy na nararanasang diskriminasyon ng nasa 65 milyong migrante ay itinuturing rin sila ng ibang mga bansa bilang salot o maaring pagmulan ng problema tulad sa seguridad, ekonomiya at kultura.
“Actually it is not discrimination, it is just they don’t want to bring in more people kasi problema yan ng marami, security, economics, culture etc… Whether refugee or not kailangan diyan everybody should be careful. Whether you are a refugee or resident, you have to be careful,” bahagi ng pahayag ni Bishop Gutierrez sa panayam Veritas Patrol.
Nag –alay naman ng panalangin si Bishop Gutierrez na maliwanagan ang lahat na maging bukas sa pagpapatuloy ng mga refugees sa gitna pa rin ng krisis at digmaan na nararanasan ng ilang mga bansa.
“Lord, please enlighten each and every one of us so that we would always welcome people who are seeking refuge in our country. We asked this through Christ our Lord,” panalangin ni Bishop Gutierrez sa nangyaring insidente sa Germany.
Magugunita na noong nakaraang taon, umabot sa isang milyong refugees ang pinayagang makapasok sa Germany at kasama rito ang aabot sa 150,000 na Afghans.
Nauna nang ipinanawagan nina Pope Francis at Caritas International President Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na magpadama ng habag at malasakit sa mga refugees na nakararanas ng matinding takot