Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Adiksyon sa kapangyarihan

SHARE THE TRUTH

 188 total views

Mga Kapanalig, sa gitna ng ating pagkabahala sa patuloy na banta ng COVID-19, sa pagsisimula ng panahon ng tag-init na magbubunga ng kakulangan sa tubig, at sa pagtindi ng katiwaliang bunsod ng pagpasok ng mga dayuhan sa ating bansa, heto at abala ang ating mga lingkod-bayan sa Kamara de Representante sa pag-aagawan sa kapangyarihan at pamumulitika.

Lumutang noong huling linggo ng Pebrero ang usap-usapang may nilulutong kudeta ang ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso upang patalsikin ang kasalukuyang speaker na si Taguig Cong. Alan Peter Cayetano. Hinihimok daw ng mga mambabatas na ito ang kanilang kapwa mambabatas na suportahan si Marinduque Congressman Lord Allan Velasco na inaasahang papalit kay Cong. Cayetano sang-ayon na rin sa napagkasunduan nilang term sharing na magsisimula sa Oktubre ngayong taon.

May basbas ni Pangulong Duterte ang hatian sa termino ng dalawang kongresista upang mapagbigyan ang mga nagbabanggaang paksyon sa loob ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ngunit nais umano ng kampo ni Cong. Velasco na gawing mas maaga ang kanyang pag-upo dahil nangangamba silang hindi tutuparin ni Cong. Cayetano ang term sharing lalo pa’t mataas ang approval rating niya sa isang survey.

Nakalulungkot na ito ang pinagkakaabalahan ng ating mga kongresista. Kahit sabihin nilang inaasikaso naman nila ang paggawa ng mga batas, kaliwa’t kanan naman ang paglabas nila sa TV at pagpapa-interbyu sa radyo upang ipagtanggol ang kanilang sarili. Sinasamantala naman ito ng media na mistulang ginagatungan ang isyu at iniintriga ang mga sangkot na pulitiko sa halip na maging instrumento ng publiko upang tiyaking nagtatrabaho ang ating mga kagalang-galang na mga mambabatas. Sa ganitong sitwasyon, taumbayan ang talo.

Sa isang mensahe noong isang taon, binigyang-diin ni Pope Francis ang halaga ng pulitika sa pagtatatag ng ating lipunan at ng mga institusyon. Ngunit, paliwanag niya, kung hindi nakikita ang pulitika bilang isang uri ng paglilingkod sa lipunan, maaari itong maging paraan ng pagmamalupit, pagsasantabi, at pagkawasak. Aniya, “…the thirst for power at any price leads to abuses and injustice.” Ang pagkauhaw sa kapangyarihan at pagkamit nito anuman ang maging bunga nito ay magdudulot ng pang-aabuso at kawalang-katarungan.

Isa itong katotohanang alam ng mga namumuno sa ating pamahalaan, ngunit dahil walang pakialam ang taumbayan at tikom ang kanilang bibig sa gulong nililikha ng mga pulitikong kapit-tuko sa kapangyarihan, patuloy lamang ang ating mga makasariling lider sa kanilang pamumulitika—at kitang-kita natin ito sa isyu ng umano’y kudeta sa ating Kamara de Representante.

Akma ang winika ni Hesus sa Marcos 9:35 bilang paalala sa ating mga kasalukuyang lider: “Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.” At sino ang mga dapat paglingkuran ng ating mga lider? Nariyan ang 17.6 milyong Pilipinong itinuturing na mahirap gamit ang opisyal na sukatan ng kahirapan noong 2018. Sa taon ding iyon, tinatayang nasa tatlong milyong pamilya ang mahirap; 800,000 sa mga ito ang walang kakayanang makabili ng pagkain.

Tunay na paglilingkod din ang nararapat para sa mga kababayan nating hindi pa rin nakababalik sa kanilang mga tahanan dahil sa mga kalamidad katulad ng pagsabog ng Bulkang Taal; sa huling tala ng DSWD, hindi baba sa 1,000 pamilya ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers, habang mahigit 35,000 pamilya ang nakikitira sa kanilang mga kaanak at kaibigan. Sa Mindanao naman, mahigit 33,000 na kababayan natin ang napilitang lisanin ang kanilang tahanan upang takasan ang labanan ng mga sundalo at mga armadong grupo o kaya naman ay dahil nasira ang kanilang mga bahay dahil sa sunud-sunod na lindol noong isang taon.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 33,492 total views

 33,492 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 48,569 total views

 48,569 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 54,540 total views

 54,540 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 58,723 total views

 58,723 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 68,004 total views

 68,004 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 33,493 total views

 33,493 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 48,570 total views

 48,570 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 54,541 total views

 54,541 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 58,724 total views

 58,724 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 68,005 total views

 68,005 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 50,778 total views

 50,778 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 49,023 total views

 49,023 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 99,331 total views

 99,331 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 108,799 total views

 108,799 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 80,219 total views

 80,219 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 86,478 total views

 86,478 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 100,795 total views

 100,795 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 86,162 total views

 86,162 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 73,753 total views

 73,753 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 86,355 total views

 86,355 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top