8,632 total views
March 10, 2020, 1:25PM
Hinikayat ng Archdiocese of Manila ang mamamayang Filipino na manatiling mahinahon sa kabila ng banta ng Corona Virus Disease.
Sa halip, hinimok ni Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila ang mamamayan na patuloy na manalangin kasabay ng pag-iingat na mahawaan ng COVID-19.
Pinayuhan ng Obispo ang lahat na iwasang mag-panic o matakot sa mabilis na pagkalat ng virus.
“Although nandiyan ‘yung threat pero sana ay iwasan din nating mag-panic at matakot at the same time may mga kailangan na safety precaution na kailangang gawin. Pinakamahalaga ang ating mga panalangin,”paalala ni Bishop Pabillo.
Unang naglabas ng pastoral statement si Bishop Pabillo bilang karagdagang pag-iingat ng mananampalataya na kumalat pa ang nakakahawang sakit.
Read: https://www.veritas846.ph/sa-tv-at-radyo-makibahagi-sa-banal-na-misa/
Kinumpirma din ni Catholic Bishop Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care executive secretary Father Dan Cancino sa Radio Veritas na magpupulong ang komisyon upang maglabas ng dagdag na panuntunan para sa kaligtasan ng mamamayan.
Read: https://www.veritas846.ph/cbcp-maglalabas-ng-bagong-panuntunan-laban-sa-covid-19/