443 total views
Pagdiriwang ng banal na misa sa Archdiocese of Manila, kanselado na… Synchronized tolling of Church bells, isasagawa.
Tiniyak ng Arkidioyosesis ng Maynila ang pangangalaga sa mananampalatayang apektado sa pagkansela ng mga malaking pagtitipon tulad ng Banal na Misa kasabay ng pagpapatupad ng community quarantine sa buong bansa upang makaiwas sa COVID-19.
Sa pastoral letter na inilabas ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, sinabi nitong kanselado ang mga Banal na Misa sa buong arkidiyosesis mula ika – 14 hanggang sa ika – 20 ng Marso para sa kaligtasang pangkalusugan ng mamamayan.
“We are enjoined to avoid large gatherings of people to avert the further spread of the virus. We heed this call not with panic but with care for charity to others and the common good. Hence in the Archdiocese of Manila I dispense all the faithful from the obligation of going to Mass this Sunday. There will be no public celebration of the Holy Mass and no public activities in all the churches in the Archdiocese for seven days, starting Saturday, March14, till Friday, March 20.”bahagi ng pastoral statement ni Bishop Pabillo
Patuloy ding makipag-ugnayan ang mga opisyal ng Simbahan sa mga kawani ng Kagawarang Pangkalusugan para sa mas maayos na pagbibigay panuntunan sa mananampalataya.
Ayon sa obispo bagamat malaki ang epekto nito sa bawat kasapi ng simbahan ay kinakailangan itong sundin para sa kabutihan ng lahat at bahagi ng pagsasakripisyo.
Aniya, hindi rin ito nangangahulugan na hindi na makipag-uganayan sa Panginoon kundi panawagan ito sa bawat isa na mas palalimin pa ang pakikiisa sa Diyos sa pamamagitan ng mga panalangin.
Dahil dito inaanyayahan ni Bishop Pabillo ang mga simbahan na magpatunog ng mga kampana hudyat ng sama-samang pagdarasal ng mananampalataya upang labanan ang mga lumaganap na COVID 19.
“Although we will not be able to come to Holy Mass, this does not mean that we no longer can come to the Lord. We should all the more strive to be in touch with Him by fervent prayer. Thus from March 14 onwards let all the bells of our churches be rung every twelve o’clock noon and eight o’clock in the evening to call all people to pray the ORATIO IMPERATA prayer to fight this virus. Let us join in this prayer. Let families gather together at 8 pm to pray as a family for divine protection. After the Oratio Imperata the families can pray the rosary and read the Scriptures. The fervent prayers of all the people of God will draw us closer to him and away from the scourge of this disease.”bahagi ng pastoral statement
Binigyang diin din ni Bishop Pabillo na mahalagang samahan ng pagsisisi at pagkakawanggawa ang bawat panalangin lalo na ngayong kuwaresma kung saan pinaghandaan ang Muling Pagkabuhay ni Hesus.
Iginiit ng Obispo na dapat maging bukas palad ang bawat isa tungo sa kapwang nangangailangan din ng paglingap lalo sa panahon ng krisis.
“Charity opens our attention and our hearts to others. Let not fear run our lives. Hence we avoid panic buying. We should not consider only our needs but also the needs of others.”panawagan ni Bishop
Bagamat kanselado ang mga misa hinimok ni Bishop Pabillo ang mga parokya na manatiling bukas para sa mga taong naghahanap ng kanlungan sa panahong nahihirapan ang pamayanan dahil sa kumakalat ng sakit at pinaalalahanan ang mga pastol na Panginoon na maging bukas palad sa pagtanggap sa nangangailangan ng tulong espiritwal.
“I enjoin the parishes and places of prayer to be open all day so that people may come and find solace in silent prayer. However, let sanitizers be available at the entrances and let the churches be regularly cleaned. For the moment let us not organize Kumpisalang Bayan to avoid large gatherings of people but let all priests give definite time to hear individual confessions during the day to be of service to the penitents who come. Although there are risks, priests must be available to visit the sick and minister to them. In time of crisis people need the Lord, and the priests show God’s nearness by their presence among the people.”
Kaugnay dito hinikayat ni Bishop Pabillo ang mamamayan na makinig sa live mass on-air at FB live na ihahatid ng Radio Veritas 846 at umantabay sa TV Maria.
Paalala ni Bishop Pabillo sa mananampalataya na higit magtiwala sa Diyos gitna ng krisis sapagkat lahat ng mga pagsubok na kakaharapin sa buhay ay may hangganan sa tulong ng Panginoon at sa Mahal na Birheng Maria.
“Let us be assured that this crisis too will pass. This has come upon us so quickly and unexpectedly, but let us take this as a call to be more faithful to God and more loving to others. “So then, while we have the opportunity, let us do good to all” (Gal. 6:10). Once again let us trustingly invoke the intercession of Mary, our Mother, the Health of the Sick.”