268 total views
Binigyang diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos na may hangganan ang lahat ng mga pagsubok na kinaharap sa tulong Hesus.
Ito ang pagninilay ng obispo sa ikaapat na linggo ng kuwaresma kung saan nahaharap ang buong mundo sa krisis sa banta ng corona virus disease 2019.
Sinabi ni Bishop Santos na dapat alalahanin ng tao na may pag-asa, kagalingan at tulong mula sa Diyos tulad ng pagpapagaling ni Hesus sa isang bulag.
“The miracle of restoring the sight of someone who has been blind from birth is very timely to what the entire world is going through right now. With Jesus healing the blind man, He made it clear that He makes everything possible and He is able to intervene in our life to lighten our burdens,”pagninilay ni Bishop Santos.
Ipinaliwanag ng obispo na palaging may pag-asa kay Hesus sa pamamagitan ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos kaya’t mahalagang kumapit at manalig sa kanya na masugpo na ang pandemic COVID 19.
Sinabi ni Bishop Santos na kaakibat ng pag-asa ang tulong ng Diyos sa tao na pagtibayin sa gitna ng mga hamon kasabay ng paghimok sa mamamayan na magtulungan sa gitna nang ipinatupad na enhanced community quarantine.
“From hope comes God’s HELP. He gives us strength to carry this cross, making our shoulders strong and stable. He will help us by raising us up and lifting our spirit. God moves people to be His hands and instill His love in our hearts. Therefore, as one body, in this great time of need and trials, let us be God’s helpers to one another.”pahayag ng Obispo
Tiniyak ni Bishop Santos sa bawat mamamayan na may lunas ang bawat karamdaman na kinakaharap ng mundo at ibabalik ng Diyos ang malusog na pangangatawang pisikal, emosyonal at higit sa lahat espiritwal sa takdang panahon.
Batay sa tala, mahigit na sa 240, 000 ang bilang ng mga nagtataglay ng COVID 19 sa 160 mga bansa kabilang na ang Pilipinas kung saan tinatayang nasa isang porsyento lamang ang nagpositibo sa pangkabuuang bilang.
Pinaalalahanan ng obispo ang mananampalataya sa liwanag na dala ni Kristo sa Kanyang muling pagkabuhay na siyang maging gabay sa bawat isa.
“Jesus is the Light of the world! He is the beacon of mercy! Even in times of adversity, our part is to give glory to God. With this pandemic, let us focus our sight on Jesus,” saad ni Bishop Santos.