255 total views
March 21, 2020, 9:37AM
Inilunsad na rin ng Archdiocese ng Davao ang pamamahagi ng mga pagkain sa mga residenteng higit na apektado ng Community Quarantine sa Davao city.
Ayon kay CBCP-president, Davao Archbishop Romulo Valles, ang pamamahagi ng mga food packs ay pangungunahan ng Archdiocesan Social Action Center sa mga pamilyang umaasa lamang sa arawang kita tulad ng mga vendor, mga namamasada at walang ibang pagkakakitaan.
“Our Archdiocesan Social Action Center launched today our campaign to bring Food Packs to families who are badly hit by the quarantine implemented – like for example tricycle and tri-sikad drivers, or street vendors – no day’s income, no food for the family,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Archbishop Valles.
Tuloy-tuloy din ang pagkalinga ng iba’t-ibang Diocese, Archdiocese, church organization at church institutions.
READ:
Mananampalatayang apektado ng COVID-19 crisis, kinakalinga ng Diocese of Tarlac
UP PGH Chaplaincy, tinutulungan ang mga frontliners kontra COVID-19
Ligtas Covid-19 campaign isinusulong ng Caritas Manila
Catholic congregations, hinamong buksan ang kumbento at simbahan sa mga kapuspalad
Alay Kapwa sa Pamayanan: Caritas Kindness Stations
Simula ika-15 ng Marso ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Davao ang community quarantine o partial lockdown bilang pag-iingat na makapasok ang virus.
Ang Davao City ay binubuo ng 1.5 milyong populasyon.
“This is our little contribution to the efforts of our city government to address this particular concern,” ayon pa sa arsobispo.
Bukod sa Davao, umiiral din ang community quarantine sa Tagum City, Bohol at ang buong Luzon base na rin sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Base sa kautusan, ipinapatupad ang pananatili ng mamamayan sa loob ng kanilang tahanan upang hindi na kumalat pa ang virus.
Sa inilabas na panuntunan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) hinihiling nito sa sambayanan ang pagsunod sa alituntunin ng gobyerno para sa kaligtasan ng higit na nakakarami.