245 total views
March 23, 2020, 9:36AM
Ito ang panawagan ni Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos sa mamamayan makaraang isailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine bunsod ng coronavirus outbreak sa Pilipinas.
Sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Santos, sinabi nito ang katahimikan bunsod ng paglalagi sa tahanan ay maging daan nawa upang maintindihan natin ang nangyayari sa ating kalikasan.
“Sa katahimikan ay ating maintindihan na nangungusap ang Diyos, na ang ating tahanan – ang mundo – ay dapat nating ingatan at alagaan. Upang sa gayon ay hindi na mangyayari ang nagaganap ngayon sa ating tahanan” pahayag ni Bishop Santos
Hinikayat rin ng Obispo na limitahan ang pagbubukas ng mga gamit sa bahay na kumukunsyumo ng kuryente at sa gayon ay gamitin itong pagkakataon upang mapakinggan ang bawat isa sa pamilya.
Unang nanawagan si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa mga mananampalataya na sikaping magtipid ng kuryente sa kabila ng enhance community quarantine na pinatutupad sa buong Luzon.
Tinitingnan na rin ng mga siyentipiko ang posibleng ugnayan ng mga pandemyang nararanasan sa mundo sa mga nangyayaring pagbabago sa ating klima.