259 total views
March 24, 2020, 10:57AM
Tatlong libo-apat na put dalawang Caritas Manna food bags ang naipamahagi na ng Caritas Manila sa mga parokya at mahihirap na komunidad sa Metro Manila.
Ito ay bahagi ng Caritas Ligtas COVID-19 campaign kung saan umabot na sa P10 Milyon ang nakalap na donasyon.
“As of March 23, we have raised Php 10,080,912.00 for our Ligtas Covid-19 campaign to provide Caritas Covid-19 protection kits and food bags to poor families,” ayon sa Facebook post ng Caritas Manila.
“We already sent and distributed 3,042 Caritas Manna food bags to parishes and poor communities in Metro Manila.”
Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang repacking para maipamahagi sa mga pamilyang higit na nangangailangan lalut may higit sa 50 milyon katao ang apektado ng umiiral na Enhanced Community Quarantine na ipinapatupad ng pamahalaan.
Patuloy naman ang apela ng Caritas Manila para sa mga nais na tumulong lalu’t may isang buwang walang inaasahang kita ang mga manggagawa.
Bukod dito, P 1.5 bilyon naman ang ipapamahagi ng Project Ugnayan- ang grupo ng mga negosyante para sa urban poor communities na bahagi ng bayanihan sa krisis na kinakaharap ng bansa.
Ito ay sa pakikipagtulungan na rin ng Philippine Disaster Resilience Foundation.