29,709 total views
March 24, 2020, 2:21PM
Namahagi ng tulong ang Parokya ng San Martin Tours sa Bocaue, Bulacan para mga apektado ng pinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon bunsod na rin ng corona virus disease o COVID-19 outbreak.
Sa pangunguna ni Bikaro Paroko Rev. Fr. Daniel “Dane” M. Coronel, kasama ang mga kursilista ng parokya ay nakapangalap sila ng sapat na pondo para makapagbahagi ng 400 relief packs na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, delata, kape, at asukal.
Ang mga relief packs ay ipinamahagi sa mga pamilyang lubhang apektado tulad ng mga daily wage workers.
Bukod sa pamimigay ng relief packs, nagpapamahagi rin ang grupo ng libreng merienda tuwing hapon sa ilang frontliners, volunteers, at mga pulis na nakabantay sa mga checkpoints sa bayan ng Bocaue.
“Hindi kasi puwedeng wala tayong gagawin para sa kanila [sa mga nangangailangan]. Kailangang kumilos, higit kahit kailan, ngayong inaasahan ang mga kawanggawa kaugnay na rin ng panahon ng Kwaresma. Kaya nga, ako, kasama ng mga kursilista ay nagsusumikap na sa aming munting pagkilos ay makapaghatid ng pantawid gutom at maipadama sa ating kapwa ang pagmamahal ng Panginoon at ng Simbahan sa kanila.” pahayag ni Fr. Dane sa Radyo Veritas
Ikinagagalak naman ng pari ang patuloy na pagdating ng donasyon at pamamahagi ng relief packs at libreng merienda ng grupo.
Patuloy naman ang pagbabahagi ng tulong ng simbahan katuwang ang iba’t ibang organisasyon nito sa mga pinakamahihinang sektor ng lipunan na apektado ng pandemya bunsod ng COVID-19.
Read: Hospital chaplains, katuwang ng health workers sa laban kontra COVID-19.
https://www.veritas846.ph/bella-padilla-nakiisa-sa-ligtas-covid-kit-ng-caritas-manila/
https://www.veritas846.ph/pantawid-gutom-program-inilunsad-ng-san-antonio-de-padua-parish/
https://www.veritas846.ph/hospital-priest-chaplains-nanawagang-ipagdasal-ang-covid-19-frontliners/
https://www.veritas846.ph/church-in-action-covid-19-crisis-response/