1,530 total views
March 30, 2020, 2:53PM
Isapuso ang mga tungkulin sa Simbahan bagamat hindi maisakatuparan ang mga pisikal na gawain dahil sa paglaganap ng Coronavirus Disease 2019 sa bansa.
Ito ang payo ni Former Ambassador to the Holy See Henrietta T. de Villa, President ng Mother Butler Guild sa lahat ng mga Mother Butler na maituturing na mga Servants of the Altar matapos suspendihin ang mga pampublikong gawain sa mga Simbahan.
Ipinaliwanag ni De Villa na sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa mula sa COVID-19 ay isang hamon para sa mga Mother Butler na ganap na maisapuso ang kanilang mga tungkulin gaya na lamang ng paghahanda ng altar sa kanilang puso upang tanggapin ng buong buo ang Panginoong Hesus lalo na ngayong panahon ng Kwaresma.
“Alam niyo naman ang Mother Butler are Servants of the Altar talagang kami ang nagpi-prepare for the gamit sa altar, kaya yung pag-aayus ng mga vessel, vestments and so on so wala lahat ngayon yan first of all walang misa, walang misa na sini-celebrate o actual live Eucharist, pangalawa hindi kami makalabas kasi quarantine. They can do while staying at home first of all walang pini-prepare na altar kaya this is a good time magprepare ng altar sa puso…”pahayag ni de Villa sa panayam sa Radyo Veritas.
Ang Mother Butlers Guild (MBG) ay itinatag noong 1961 at napaloob o naging isang miyembro ng Sangguniang Layko ng Pilipinas taong 1976.
Sa kasalukuyan ay may 35,000 na ang kabuuang miyembro ng MBG sa buong bansa na kasalukuyang pinamumunuan ni dating Philippine Ambassador to the Vatican Henrietta De Villa.
Ang mga Mother Butler ang nagsisilbing katuwang ng mga Pari sa Simbahan upang mapanatili ang kaayusaan at kalinisan ng Simbahan at maging ang mga kagamitan sa Banal na Misa.