270 total views
April 21, 2020, 11:54AM
Pinagnilayan ni Balanga Bishop Ruperto Santos,chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filipino na ang bagong normal na buhay ng mga mamamayan na dulot ng pandemic corona virus disease.
Ayon kay Bishop Santos, muling napag-alab ng bawat isa ang kahalagahan ng pamilya sa gitna ng pagpatupad ng enhanced communtiy quarantine (ECQ) kung saan nanatili sa mga tahanan ang lahat upang makaiwas sa nakahahawang corona virus disease.
“With the new normal, people have tread on the path of rediscovering one’s self, gaining a new sense of purpose. Dining together in one table has become the norm. Parents – children interaction improved.”pagninilay ni Bishop Santos.
Sinabi ni Bishop Santos na patunay lamang ang pandemya na walang kinikilalang lahi, estado sa buhay o kasarian sapagkat lahat ng mamamayan sa daigdig ay apektado maging ang pandaigdigang ekonomiya.
Disyembre noong nakalipas na taon nang lumabas ang virus sa Wuhan China na mabilis ang pagkalat sa buong mundo kung saan mahigit sa dalawang milyong katao na ang nahawaan.
Ipinaliwanag ni Bishop Santos na sa paglaganap ng pandemic sa buong daigdig muling umigting ang relasyon ng tao sa Diyos na sagisag ng paniniwala na si Hesus ang pag-asa ng sanlibutan at higit na nangingibabaw sa kapangyarihan, katanyagan at kayamanan.
Those who reduced God to the background started to foster a deeper relationship with Him, making God the top priority once again. As followers of Jesus, our blessed hope is not in this world but it is in Christ alone,” dagdag ng Obispo.
Dahil sa pandemya, ika – 16 ng Marso ipinatupad sa Pilipinas ang community quarantine na kalaunan ay hinigpitan at pinalawig pa hanggang sa ika – 30 ng Abril.
Sa ilalim nito mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalan ang paglabas sa mga bahay at pag-iwas sa malakihang pagtitipon upang mapigilan ang paglaganap ng covid 19 sa bansa.
Sa ipinatupad na ECQ iginiit ni Bishop Santos na lumaya ang bawat isa mula sa pagkagumon sa mga materyal at makamundong mga bagay na nagpapalayo sa relasyon ng tao sa Diyos.
“The period of ECQ allowed us to be free fromt he worldly distractions and variables that have long prevaded our materialistic society,” saad ni Bishop Santos.
Bagamat kanselado ang mga misa sa mga simbahan at iba pang banal na gawain, nagpasalamat naman si Bishop Santos sa makabagong teknolohiya na nakatulong sa pagpapatuloy ng mga banal na gawain sa pamamagitan ng social media at internet.
Bagamat puno ng hamon ang krisis na kinakaharap, hindi ito nagiging hadlang upang maipagpatuloy ang pagbabahagi at pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon sa sangkatauhan.