498 total views
April 22, 2020, 10:10AM
Sa gitna ng kawalan ng pag-asa, pag-alala at pangamba ng mamamayan na naka-lockdown sa kani-kanilang tahanan dahil sa Enchanced Community Quarantive dulot ng COVID-19 pandemic, isang pari ng Sto.Nino parish ng Diocese of Cubao ang nagbibigay aliw habang nagkakaloob ng tulong sa apektadong residente.
Sa kabila ng maraming hindi magagandang balita dahil sa COVID-19 pandemic, lumikha si Rev. Father Gilbert “Gido” Dumlao o binansagang “Gidosaur” ng positive vibe ng magsuot ito ng costume ng dinosaur habang naghahanda ng mga relief goods para sa kanyang mga parokyanong nangangailangan ng tulong.
Ilan sa mga positive vibe sa FB page ng Radio Veritas @RadyoVeritasPH.
Mensahe ng isang Myrna Colis “woooowww, creativity at its best”.
Ayon naman kay Marissa Fetalvero “Nakakaalis ng stress, pero sacrifice din.
Sinabi naman ni Yanga Imaysay Ricalde, “Di lang siya puro salita,actually mas marami siyang gawa kesa sa salita”.
Inihayag din ng isang Ad Cors, “Good job, nakakaalis ng takot at kaba”.
Ang ginawa ni Fr.Dumlao ay nagbibigay ng pag-asa at nakakaalis ng pangamba sa mamamayang dumaranas sa kasalukuyan ng kahirapan, takot at pag-alala sa buhay dahil sa pandemyang nararanasan.