Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Metro Mayors, makikiisa sa Arkidiyosesis ng Maynila sa pagtatalaga sa kalinga ng Mahal na Birhen

SHARE THE TRUTH

 307 total views

April 28, 2020-6:54pm
updated April 30, 2020-7:36am

Makikiisa ang limang alkalde ng Metro Manila sa Arkidiyosesis ng Maynila para sa pagtatalaga sa ilalim ng kalinga at pangangalaga ng Mahal Ina para sa kaligtasan ng mamamayan mula sa novel coronavirus.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, isang mahalagang pagkakataon ang pagkakaisa ng simbahan at mga pinuno ng pamahalaan para manalangin ng sama-sama at hilingin ang kaligtasan ng mamamayan mula sa nakakahawang sakit.

“In this time of crisis we need to help one another and to be assured of help from above,” bahagi ng liham ni Bishop Pabillo.

Ang misa ng pagtatalaga ay gaganapin alas-12 ng tanghali sa ika-13 ng Mayo, kasabay na rin ng pagdiriwang ng ika-103 anibersaryo ng Aparisyon ng Our Lady of
Fatima.

Dadalo din sa pagdiriwang ang mga alkalde ng mga lungsod na nasasakop ng arkidiyosesis kabilang na sina Mayors Francisco Domagoso ng Maynila; Carmelita Abalos ng Mandaluyong; Imelda Calixto-Rubiano ng Pasay; Abigail Binay ng Makati at Francisco Zamora ng San Juan.

Ayon kay Bishop Pabillo, dulot ng pandemya ay mahalagang magkaisa ang bawat isa sa pananalangin at hingin ang tulong ng Mahal na Ina upang bigyang proteksyon ang mamamayan laban sa nakakahawang sakit na Covid-19.

“It is good that we come together as religious and civil leaders to lead our people to make an Act of Consecrations,” bahagi ng liham ni Bishop Pabillo na ipinadala sa Metro Mayors.

Matapos ang misa, bawat alkalde ay hinihikayat na maghahandog ng bulaklak sa Mahal na Ina bilang pagpapakita ng pagpapaubaya sa kapangyarihan at kalinga ng Mahal na Birhen.

Sa aparisyon sa Fatima, Portugal tiniyak ng Mahal na Birhen sa mga batang pastol na sina Lucia, Francisco at Jacinta ang kaligtasan at tulong para sa mga taong magbabalik loob at mananalangin sa Panginoon.

Sa higit walong-libong kaso ng Covid-19 sa Pilipinas kabilang ang Metro Manila sa may mataas na naitalang bilang ng nagtataglay ng virus na siyang dahilan nang pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine ng hanggang sa ika-15 ng Mayo.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Laban Kontra Corruption – Mahaba At Nakakapagod

 12,843 total views

 12,843 total views Kapanalig, ang korapsyon ay pangunahing salik o tanikala na pumipigil sa adhikain para matamasa ng Pilipinas at mamamayan nito ang “equitable development at economic prosperity”. Ang Pilipinas ay nasa ika-115 rank mula sa 80-bansa sa Asia at Pacific sa pinakahuling Corruption Perception Index (PCI) ng Berlin based-Transparency International noong February 2024 kung saan

Read More »

Inevitable Disaster

 19,952 total views

 19,952 total views CLIMATE CHANGE, ang epekto at panganib na dala nito ay hindi na isang babala kundi isang “distress call” na sa lahat ng tao sa mundo. Kapanalig, nawa habang tayo ay naghahanda at nagagalak sa pagdating ng ating panginoong Hesus ngayong Advent season… maging mabuti din sana tayong tagapangalaga ng sangnilikha. Base sa pag-aaral

Read More »

Walang patumanggang ganid

 29,766 total views

 29,766 total views Mga Kapanalig, walang patumanggang ganid ang uubos sa likas-yaman ng isla ng Palawan, ang tinaguriang “last ecological frontier” ng ating bansa. Tatlong obispo sa isla ang sama-samang naglabas ng isang liham-pastoral para ipaalam sa publiko, lalo na sa ating gobyerno, ang bantang kinakaharap ng napakayaman at napakagandang isla. Sila ay sina Puerto Princesa

Read More »

Sinong dapat humingi ng tawad?

 38,746 total views

 38,746 total views Mga Kapanalig, si Vice President Sara Duterte na mismo ang nagsabi: “Christmas is a season for forgiveness, love, and generosity.” Iyon daw ang mensahe at diwa ng Pasko. Pero hindi para sa kanya. Nasa sa ating mga pinaglilikuran niya bilang pangalawang pinakamakapangyarihan sa gobyerno kung tayo ay magiging mapagpatawad. Magkakaiba raw tayo. May

Read More »

Tutukan ang latest

 39,582 total views

 39,582 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang latest? Marami na siguro sa inyo ang nakakalam ng pinakahuling update sa mga balitang showbiz. Bakit naghiwalay ang isang loveteam? Sino ang nag-cheat sa kanilang karelasyon? Paano nabukó ang panloloko nila sa kani-kanilang kasintahan? May makakasuhan kaya ng paninirang-puri? O deserve ng mga nanlokong mapahiya sa

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

Bagong Obispo ng Diocese of Cubao, pormal nang itinalaga

 6,405 total views

 6,405 total views Pormal nang itinalaga bilang ikalawang obispo ng Diocese ng Cubao si Bishop Elias Ayuban Jr. sa rito ng pagtatalaga na ginanap sa Mary Immaculate Cathedral sa Cubao, Quezon City. Ang misa ng pagtatalaga ay pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, katuwang sina Apostolic nuncio to the Philippine Charles Brown, kasama ang ilang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Clergy for Good Governance, ilulunsad sa Immaculate Conception Cathedral

 7,603 total views

 7,603 total views Tatlong daang pari, kabilang ang 12 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa Luzon, Visayas, at Mindanao, ang lumagda bilang mga convenors ng Clergy for Good Governance (CGG), isang samahan na ilulunsad sa darating na Nobyembre 29. Ang Clergy for Good Governance, na may temang “Maka-Diyos, Maka-Filipino”, ay naglalayong isulong ang mga prinsipyo

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Kahinahunan, panawagan ng Obispo sa nagbabangayang Pangulong Marcos at VP Duterte

 6,964 total views

 6,964 total views Nananawagan ng kahinahunan si Military Bishop Oscar Jaime Florencio, kaugnay na rin sa mga pahayag ni Vice President Sara Duterte laban sa ilang pinuno ng pamahalaan, kabilang na ang pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ikinagulat din ng obispo, ang mga binitawang salita ng bise presidente na aniya’y hindi naaakma sa isang mataas

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Pagpapanatili ng Rule of Law, panawagan ni Pangulong Marcos Jr., sa banta ni VP Duterte

 7,185 total views

 7,185 total views Nagsalita na rin ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga pahayag ni Vice-President Sara Duterte. Sa talumpati, binigyang-diin ng Pangulong Marcos, ang kahalagahan ng Rule of Law at ang pagtutol sa anumang uri ng karahasan o pagbabanta, kahit pa ito’y galing sa pinakamataas na opisyal ng pamahalaan. “Ito ay hindi dapat palampasin. Ang

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Set aside politics, panawagan ni Archbishop Jumoad sa nagbabangayang pulitiko

 7,205 total views

 7,205 total views Nanawagan si Archbishop Martin Jumoad ng Ozamis sa mga lider ng pamahalaan na itigil ang labis na pulitika at ituon ang kanilang atensyon sa paglilingkod sa taumbayan. Sa panayam ng Radyo Veritas, hinimok niya ang mga opisyal na gampanan ang kanilang tungkulin nang may dignidad at integridad upang maabot ang tunay na pag-unlad

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Makaraan ang 14-taong pagkakulong sa Indonesia: Veloso, makakauwi na ng Pilipinas

 8,120 total views

 8,120 total views Matapos ang mahigit sa isang dekadang pakikipag-usap at apela sa Indonesian government ay makakauwi na ng Pilipinas si Mary Jane Veloso, ang Filipina Overseas Filipino Worker na naaresto nuong 2010 sa Indonesia at nahatulan ng parusang kamatayan. Ito ang inanunsiyo sa inilabas na pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sinabi ng Pangulo

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Katarungan, hangad ng mga naulila ng EJK

 8,325 total views

 8,325 total views Umaasa ang mga naulilang biktima ng extra judicial killings na makakamit ang katarungan at mapapanagot ang mga nagkasala sa ipinatupad na marahas na drug war ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginaganap na pagdinig ng Quad Committee ng Mababang Kapulungan. Ito ang panalangin ng mga naulila sa ginanap na Misa para sa

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Simbahan, nakahandang makipagdayalogo sa mga kandidato

 8,450 total views

 8,450 total views Kaugnay sa nalalapit na halalan sa susunod na taon, tiniyak ng simbahan ang kahandaan na makipagdayalogo sa mga kandidato, at sa nais na humingi ng panalangin. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangan ng sambayanan sa kasalukuyan ang mga pinunong may malakasakit, magtataguyod ng tunay at tapat na pamamahala na siyang pinaninindigan ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Pagkumpiska ng ilegal na nabiling ari-arian ng mga dayuhan, isinulong sa Kamara

 9,997 total views

 9,997 total views Inihain sa Mababang Kapulungan ang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan sa gobyerno na bawiin o kumpiskahin ang mga ari-arian na ilegal na nabili ng mga dayuhan, lalo na ang kaugnay sa mga illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Ang House Bill (HB) No. 11043, na kilala rin bilang “Civil Forfeiture Act,” ay

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Batasang Pambansa, nagbigay pugay sa mga nasawi sa bagyong Kristine

 11,298 total views

 11,298 total views Magnilay, manalangin at magbigay pugay sa alaalang iniwan ng mga nasawi dulot ng Bagyong Kristine. Ito ang paghihimok ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa sambayanang Filipino kasabay na rin proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtatakda ng November 4 bilang National Day of Mourning. Sa nagdaang kalamidad, umaabot sa higit isang daan

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Duterte, hindi maikailang ipinag-utos ang pagpatay sa mga sangkot sa kalakalan ng droga

 12,184 total views

 12,184 total views Hindi maikakaila na may ipinag-utos ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na paslangin ang sinumang may kinalaman sa ilegal na kalakalan ng droga. Ito ang naging reaksyon ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Permanent Committee on Public Affairs sa mga pahayag ni Duterte

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Caritas Manila, ikakasa ang 2nd-round na tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 11,061 total views

 11,061 total views Naghahanda na ang Caritas Manila sa second-round ng pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bayong Kristine. Ito ang inihayag ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila kasabay ng isinasagawang Typhoon Kristine Telethon ng Caritas Manila at Radio Veritas. Unang nagbahagi ng kabuuang 1.2 milyong piso cash ang social arm

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 19,039 total views

 19,039 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Archdiocese of Manila, magsasagawa ng second collection para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 11,334 total views

 11,334 total views Ipinag-utos ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagsasagawa ng second collection sa lahat ng misa sa Sabado, October 26, at Linggo, October 27, bilang tugon sa pangangailangan ng mga biktima ng Bagyong Kristine, kung saan matinding napinsala ang Bicol Region at Quezon Province. Sa Circular No. 2024-75 na inilabas ni Manila Archbishop Jose Cardinal.

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Igalang ang labi ng mga yumao

 12,933 total views

 12,933 total views Mahalaga ang pagpapakita ng respeto at paggalang sa mga labi ng yumao, alinsunod sa mga turo ng simbahan. Ito ang mensahe ni Fr. Joel Saballa ng Diocese of Novaliches bilang reaksyon sa kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte na huhukayin niya ang labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung magpapatuloy

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top