286 total views
May 5, 2020-8:44pm
Ipinababatid ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle-Prefect of the Congregation for Evangelization of Peoples ang pasasalamat sa sambayanang Filipino na nagpahayag ng kanilang pagbati.
Ito ay kaugnay sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay Cardinal Tagle bilang pinakabagong miyembro ng Cardinal Bishops.
Ang 11-Member Cardinal Bishops- ang pinakamataas sa mga hanay ng cardinal sa Vatican bilang mga pangunahing tagapayo ng Santo Papa sa pamamalakad ng Universal Church.
“I would like to thank you for your kind words and greetings. This is unexpected but in faith and in trust in the Lord and the Holy Father we said Yes. I know I’m not alone you are with us in prayer in communion in service of the church. Thank you very much,” ayon sa video message ni Cardinal Tagle.
Sa Facebook post ni Fr. Ericson Josue na mula sa Diocese ng Laoag at kasalukuyang nag-aaral sa Roma, ipinahayag ni Cardinal Tagle sa video message ang pasasalamat sa mga Filipino sa patuloy na pananalangin.
Ayon sa Cardinal bagama’t hindi inaasahan ay muli niyang tinatanggap ang tungkulin para sa higit na paglilingkod sa simbahan.
Patuloy ding hinihikayat ni Cardinal Tagle ang mananampalataya ang panalangin gayundin ang pananalangin sa sambayanang Filipino.
Kasabay ng kapistahan ni San Jose Manggagawa, itinalaga ni Pope Francis si Cardinal Tagle bilang Cardinal Bishop.
Ayon naman kay Fr. Gregory Gaston-rector ng Pontificio Collegio Filippino labis ang kagalakan at ikinararangal ng Filipino community sa Roma ang pagkakatalaga kay Cardinal Tagle ng Santo Papa bilang kauna-unahang Filipino at Asyano sa hanay ng Cardinal Bishops.