244 total views
Ipinanawagan ni dating Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) director general ngayon ay Senador Joel Villanueva ang suporta ng Kongreso at kapwa Senador sa “Freedom of Information Bill matapos lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order sa panukalang batas.
Layunin naman ni Villanueva ang paghahain ng batas na magpababa sa personal income tax ng mga manggagawa upang maging sapat ang sahod na pantustos sa kanilang mga gastusin.
Suportado rin nito ang agarang pagpapatayo ng departamentong tutugon sa pangangailangan ng 15 milyong overseas Filipino workers sa buong mundo.
“Ipasa kaagad itong FOI. I think congress will follow soon after that Executive Order. Ipasa kaagad itong lowering ng personal income tax dahil over tax na itong ating mga workers. Ipasa kaagad itong Department of OFW sapagkat itinuturing natin silang bayani ng ating lipunan. Importante na maramdaman nila na yung pagkalinga at pag – aalaga ng ating pamahalaan talagang maramdaman nilang tunay na tunay nga silang mga bayani,” bahagi ng pahayag ni Villanueva sa panayam ng Veritas Patrol.
Umaasa naman ang halos nasa 100 milyong Pilipino sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kauna – unahan nitong State of Nation Address na magsusulong ng kanilang kalagayan sa buhay.
Nauna na ring binanggit ni Pope Francis ang Tricledown Theory na siyang magpaparamdam sa mga mahihirap sa lipunan na kabahagi sila ng pag – unlad ng ekonomiya.