4,528 total views
May 16, 2020, 12:17PM
Nakikiisa ang Radio Veritas sa pagdiriwang ng ika-5 taong anibersaryo ng liham ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco ukol sa pangangalaga sa kalikasan na ating iisang tahanan.
Sa menhase ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas, umaasa ito na nawa isapuso at isabuhay ng mga mananampalataya ang turo ng Laudato Si lalo na ngayong nahaharap ang buong mundo sa coronavirus disease 19 pandemic.
“As we celebrate the 5th anniversary, may this Catholic Social Teaching inspire us to be more responsible and be more aware of our interconnectedness, interconnectedness and interdependence as a creation of God. That we respect one another and respect the ecosystem.” Pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.
Naunang nagpaalala si Rev. Fr. Angel Cortez, ang Executive Secretary ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) sa pangangailangan sa pagbabagong ekolohikal o ecological conversion mula sa mga mananampalataya.
“Sabi ng ng Santo Papa sa Laudato Si’ baka ito na yung panahon na kailangan nating suriin at tingnan ang ating sarili at magkaroon tayo ng pagbabagong ekolohikal, at ito ay patuloy na hahamon sa atin na araw-araw kailangan nating maging responsible” pahayag ni Fr. Cortez sa Radio Veritas
Sa anibersaryo ng Laudato Si, maglulunsad ng mga online activities ang mga makakalikasang grupo at mga organisasyon ng simbahan tulad ng Global Climate Change Movement (GCCM), Living Laudato Si (LLS), Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP), at Philippines Miserior Partnership Inc. (PMPI).
Matatandaang tinawag ng Santo Papa sa kanyang Ensiklikal ang Simbahan at ang buong mundo upang pahalagahan ang epektibo at agarang pagkilos sa pangangalaga sa ating kalikasan.