598 total views
May 19, 2020, 10:01AM
Pabor ang mayorya sa mga mananampalatayang Katolika na buksan na sa religious gatherings ang mga simbahan na nasa ilalim ng modified enchanced community quarantive o MECQ at general community quarantine o GCQ.
Lumabas sa online survey na “Pastoral suggestion for the New Normal of the Church” na isinagawa ng RadyoVeritas.PH, 80-porsiyento ng mga sumagot sa tanong na “Pabor ka ba sa muling pagbubukas ng Simbahan para sa pampublikong pagdiriwang”? ang pumapayag o pabor na buksan na ang mga simbahan sa pampublikong pagtitipon o religious gatherings.
Ito ang lumitaw sa “New Normal Survey para sa Simbahan” na kinabibilangan ng 3,800 respondents.
Sa tanong na “Ano ang mga dapat na panuntunan na ipatupad ng Simbahan bilang pag-iingat sa COVID-19? 40-porsiyento ng mga mananampalataya ang nagsabing ipatupad ang social distancing sa mga liturgical celebrations.
Sa online survey ng Radio Veritas, 40-porsiyento din ang nagpahayag na nararapat ipatupad ng mga simbahan ang mahigpit na “hygiene protocols” sa mga dadalo sa mga religious celebration.
Nais naman ng 16 na porsiyento ng mga mananampalatataya na ihatid ng mga parokya ang iba’t-ibang pastoral services sa mga online platform ng Simbahan. 3-porsiyento naman ng mga respondent ang nagsabing ibahagi ng simbahan ang Holy communion sa mga designated na lugar o komunidad.
Isinagawa ng Radio Veritas ang online survey noong ika-9 hanggang ika-14 ng Mayo, 2020 isang araw bago payagan ng pamahalaan ang religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ at GCQ na limitado lamang sa 5 at 10 katao.
See graph:
Mayorya din sa mga Filipino ang payag na buksan na sa mga pampublikong pagdiriwang ang mga simbahan sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enchanced community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ).
Sa isinagawang nationwide Veritas Truth Survey (VTS), 62-porsiyento ng mga Katolikong Filipino ang payag na buksan na ang mga simbahan sa mga pampublikong pagdiriwang, 20-porsiyento ang undecided at 15-percent ang nagsasabing hindi.
Ayon sa VTS, 55-porsiyento ng mga Katoliko sa Luzon ang payag na buksan na sa mga pastoral activities o pagdiriwang ng mga sakramento ang mga simbahan habang 30-percent ang nagsasabing hindi at 15-porsiyento naman ang undecided.
Sa Visayas, 90-porsiyento ang nagsabing YES, 7-percent ang NO at 1-percent ang undecided.
80-percent ang nagsabing YES sa Mindanao, 17-porsiyento ang undecided at 3-percent ang NO.
Ginamit sa VTS ang stratified sample sa 1,200 respondent sa buong bansa na mayroong +/- margin of error.
See graph:
Matapos tawagin ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na unreasonable ang inilabas na guidelines ng I-A-T-F na nililimitahan lamang sa 10 hanggang 5-katao ang maaring dumalo sa mga misa at iba pang pagdiriwang ng mga sakramento ng simbahan, Pinayuhan ni Presidential spokesman Harry Roque si Bishop Pabillo na isumite nito sa pamahalaan ang mga rekomendasyon at pag-iingat na gagawin ng simbahan.