4,580 total views
March 26, 2020-10:42am
Nanawagan si La Union Bishop Daniel Presto na patuloy na isulong ang paggamit ng renewable energy sources sa bansa.
Ito ay matapos ang paglaki sa singil ng kuryente sa mga konsumer sa gitna ng COVID-19 pandemic dulot na rin ng pananatili ng bawat miyembro ng pamilya dahil sap ag-iral ng community quarantine.
Ayon pa sa Obispo, bukod sa pagsusulong ng adbokasiya para a pangangalaga sa kalikasan, mahalaga rin na magkaroon ng ekolohikal na pagbabago ang mga tao kung saan mas magiging responsable ang lahat sa kanilang aksyon na makaapekto sa kalagayan ng kalikasan.
Nanawagan rin ang Obispo na kalakip ng pangangalaga sa kalikasan ay ang pagtitipid sa mga kinokunsumo nating kuryente at tubig.
Makatutulong rin aniya ang ang pagbabawas sa paggamit ng mga sasakyan upang mabawasan ang carbon footprint na nakasasama sa kalikasan at kaliusugan ng tao.
Dagdag pa ni Bishop Presto, ang paggamit ng solar panel ay isang paraan upang makatipid sa kuryente at hindi na umasa pa sa mga nakapamiminsalang pinagkukunan ng enerhiya tulad na lamang ng coal.
“Mahalaga pa rin na tayo ay gumamit ng solar panel sapagkat ‘yan ay makababawas sa gastusin natin. Allthough initialy gagastos ka, pero in the long run ay makakatipid pa rin,” pahayag ni Bishop Presto sa Radio Veritas.
Sa Ensiklikal na sinulat ng Santo Papa, himinok ni Pope Francis ang mga mambabatas na lumikha ng polisiyang magtatakdang palitan ng reneable energy ang mga fossil fiels upang sa mga susunod na taon ay tuluyan nang mawala ang lunhang mapaminsalang emissions na nagmumula sa pagsusunog ng mga fossil fuels.